IBA TALAGA ANG taglay na karisma ni Vic Sotto sa mga tao. Ito ang napatunayan ko when he guested on The Buzz to promote his new movie titled Pak! Pak! My Dr. Kwak with Bea Alonzo. Hindi magkamayaw ang mga tao sa loob ng studio. Sumisigaw ang mga fans ng “Bossing!”
Kuwento ni Vic, “Kanina nasa ASAP ako, sabi ko nga, ‘I felt very, very welcome.’ Napaka-warm ng reception nila. Ang daming nagpapa-picture. Talaga namang nakakatuwa and it’s nice to be back!”
“Wala namang limitasyon ang movies na puwede kong gawin sa Star Cinema. Kanina nga sabi ni Luis (Manzano), paminsan-minsan okay daw iyong nakakalimutan ang network competition. Sabi ko, ‘Puwedeng hindi paminsan-minsan. Puwede namang dalasan.’ So, definitely it’s not the last time that I will be working with Star Cinema.”
Vic hopes to do more projects with Star Cinema. “It’s nice. They are my friends, mabait sila sa akin. They make me feel that I’m really welcome, that I’ve always been part of the family, I’ve always been a Kapamilya.”
Nagkwento rin si Vic tungkol sa kanyang mga anak. He is proud to have responsible children. To show how much they love Vic, nakatanggap siya ng mga regalo mula kina Danica, Oyo at sa kanyang apong si Jean-Michel. Sabi nga ni Danica about her father, “He’s a good listener. Man of a few words. Iyong mga pieces of advice, talagang matitindi.”
He was touched by Oyo’s letter to him. Inamin ni Vic na medyo nahirapan siya nang umalis sa kanilang bahay si Oyo matapos nitong ikasal kay Kristine Hermosa. Marahil ay nanibago siya dahil kasama niya si Oyo sa bahay.
“I love my children so much. They are very special. They are the most special people in my life. Of all my children, si Oyo ang pinakamaraming years na nai-spend with me. Kaya noong nag-asawa siya, umalis na siya sa bahay, at first I was kinda lost, parang di ako sanay na walang kasama sa bahay na anak. Siyempre alam ko naman buhay niya iyon and he wants a life with Tin. He wants his own family. So, I respect that, I’m happy for him. But I’m okay now. All my children are very nice, very responsible – Danica, Vico, and Paulina – I’m just so proud to be their father.”
Pak! Pak! My Dr. Kwak! is now being shown in theaters nationwide.
Kaibigan, usap tayo muli!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda