Vic Sotto aminadong namana ng daughter niyang si Baby Tali ang pagka-comedian niya

Leo Bukas

MAY MAGANDANG dulot din daw kahit papaano ang pinagdadaanang pandemya para kay Vic Sotto. Mas nagkaroon daw kasi siya ng maraming panahon para maka-bonding ang asawang si Pauleen Luna at ang anak nilang si Tali.

“Bihira kaming magka-time noon for bonding. Ang bonding lang talaga naman nang matagal-tagal kapag nagta-travel, magbabakasyon for a few days.

“Pero this time, si Tali talaga ang nakinabang nang husto dito sa quarantine natin, eh,” lahad ni Vic sa isang interbyu.

Vic Sotto with daughter Tali

Marami din daw siyang “firsts” na na-witness kay Tali.

“Sa edad ko, it’s a whole  new experience for me. Yung mga anak ko before Tali, parang most of the time hindi ko talaga sila nakitang lumaki. I missed a lot of their firsts. Tali is my first child na halos nakita ko lahat ng firsts niya — first steps, first song, first words. Ang sarap sa pakiramdam,” masaya niyang kuwento.

Ipinagmamalaki rin ni Vic na pagdating sa kantahan ay puwede niyang ilaban ang anak.

“Sa ngayon hindi pa siya nakaka-carry ng conversation talaga, pakonti-konti lang, pero pagdating sa kantahan ilalaban ko itong bata ko dahil marami siyang alam, pati mga kantang pambata, kantang pang matanda, may Japanese, may French.

“Yung nanay matiyaga, eh. Kung anu-anong itinituro. Madali siyang alagaan, eh. She’s very sweet, siguro yon yung nakuha sa nanay.

“Sa tingin ko may pagka-comedian, eh. Ewan ko kung kanino niya nakuha yon,” biro ni Vic.

Nagbigay din ng reaksyon si Vic tungkol sa mga taong namba-bash sa kanyang baby girl. Aniya, ipinagpapasa-Diyos na lang daw niya ang lahat.

View this post on Instagram

Madly inlove with you two ❤️

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on Oct 7, 2020 at 4:41pm PDT

“Ang importante naman mas marami yung mas higit na nakakarami yung napapasaya ni Tali, yung mga napapa-smile niya sa araw-araw tuwing magpo-post ang kanyang nanay.

“Tapos yung ilang mga hindi natutuwa, ako hindi ko na lang pinapansin yon, eh. Pinagpapasa-Diyos ko na lang yon. I try to understand these people dahil malay natin baka may pinagdadaanan or may problema lang sa buhay or mainit ang ulo niya at that time. Iniintindi ko na lang yon. Mas importante mas higit na nakakarami yung good comments,” pahayag ng actor-TV host.

Dagdag pa niya, “May mga ilan din tayong kababayan na iresponsable sa paggamit ng social media. Hindi naman natin makokorek ang mga ugali nila. Bahala na sila, kanya-kanya namang opinion yan, nasa demokrasya tayo. Pero let’s be responsible sa ating mga post, sa ating mga comments.”

Previous articleDating bida ng Scorpio Nights na si Anna Marie Gutierrez biglang nagpakita sa social media pagkatapos ng death hoax
Next articleMaja Salvador, nagsalita sa dahilan ng paglipat sa TV5

No posts to display