KAKAIBANG pelikula ang entry ngayong taon ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival. Wala raw itong fantasy at special effects.
“Ang pelikula namin walang effects, walang fantasy, it’s all reality. And life should be funny,” pahayag ni Bossing Vic na kinuhang kapareha si Dawn Zulueta sa pelikula.
Hindi ba parang experimental na ang filmfest movie niya this year ay hindi fantasy?
“Experimental? No, dahil yung mga computer-generated movies ko yun ang experimental kung tutuusin,” sagot niya.
Patuloy ni Bossing Vic, “Kumbaga, I want to put it in such a way na na teka lang, parang nakakasawa na yung fantasy, eh. Parang every year na lang, fantasy and I think it’s about time na to move on and to level up.
“Gusto naming mag-present ng something different, something more realistic, something more relevant. And siyempre for me, pag Christmas, ang una kong naiisip is pamilya.
“Dahil ito yung mga panahon na sama-sama ang pamilya, kahit magkakahiwalay na kayo, siyempre nagre-reunion kayo pag Christmas at pagdating ng Christmas, one of the big entertainment na pinupuntahan ng mga tao is manood ng sine, alam naman natin yan.
“So, naisip namin to move out sa comfort zone which is fantasy, hayaan mo na lang sa iba muna yon (fantasy),” deklara niya.
Ang Meant To Beh ay idinirek ni Chris Martinez mula sa M-Zet at OctoArts Films. Kasama rin sa pelikula sina Daniel Matsunaga, JC Santos, Sue Ramirez, Ruru Madrid, Gabby Garcia, Andrea Torress at Baby Baste.
La Boka
by Leo Bukas