Kung sino ang dapat gumawa, sila pa ang hinay-hinay at hindi nagmamadali. In short they take time to enjoy each other’s company na may paniwala ang mga taong concern na kapag para sa iyo, ay para sa iyo.
Ang tinutukoy namin ay ang mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna.
Halos araw-araw yata ay kinukumusta ng friends nila ang “lagay” ni Pauleen kung preggy na ba ito at si Bossing Vic naman, may effort din para ma-achieve nila ng misis ang kanilang goal.
Aminado ang mag-asawa na gustung-gusto na nilang magkaroon ng baby.
Sa recent launch ng Chooks to Go, kung saan si Bossing Vic ang kinuhang celebrity endorser ng naturang roast chicken (na personally ay nagustuhan ko ang lasa kahit walang sarsa), ang sagot niya, “Wala pa. Ginagawa pa lang,” na natawa lang ang komenyante sa sagot niya sa pang–uurirat ng press sa kanya.
Sa katunyan, hindi nila minamadali ang pagkakaroon ng baby ni Pauleen.
“May kasabihan na kung uukol ay bubukol,” sabi niya.
Naniniwala ang komedyante na ang sunud-sunod nilang pagbabakasyon ng misis kung saan-saan ay malaking tulong sa kanilang dalawa para mas maging romantic sila sa isa’t isa para mas “bongga” ang eksena sa sukdulan ng excitement nila sa isa’t isa during thier “private moments”.
Sabi ni Bossing bago pa man sila ikinasal ni Pauleen, ang “Eat… Bulaga!”, palagi silang tini-treat sa trips abroad.
“Even before we got married, we always got treated to wherever. Kaming dalawa, kahit road trip lang, nagkakatalo na kami papuntang Subic o Bataan, o sa South…
“Ayaw naman naming puro trabaho lang. Parang therapy rin, pang-alis ng stress,” sabi ng komedyante.
Kuwento ni Bossing Vic, kahit short trip or a short vacay on a weekend, ayos na raw ‘yun sa kanila ni Pauleen para magsama at mag-bonding.
Sa new product endorsement ni Mister, si Misis pala ang nag-introduce kay Bossing ng iniendorsong roast chicken. Palagi raw kasing nagdadala si Pauleen sa EB ng nagustuhang produkto ng mister.
Napag-alaman din namin na si Pauleen pala ang tumayong negotiator ng naturang chicken brand at kay Bossing para maging endorser ito.
Ibinalita na rin ng komedyante na halos tapos na ang pelikula nila na “Enteng Kabisote 10 and the Abangers” na intended for the MMFF 2016 na nakatakda niyang i-submit sa screening committee, na kapag nakalusot, may official entry na ang M-Zet (film outfit ni Bossing Vic as a producer) na handog niya para sa kanyang suppoorters at fans na sigurado akong ikatutuwa ng mga bata.
Reyted K
By RK VillaCorta