Vic Sotto, kakalabanin si Herbert Bautista sa 2013?!

HAHAHA! KALOKAH ang ibang friends. Hinihingan kami ng opinyon o baka me nalalaman daw kami tungkol sa hidwaan nina Ai-Ai delas Alas at dati naming alagang si Vice Ganda.

Mahirap sumawsaw, lalo na’t ‘yung isa’y mahal mo at ‘yung isa’y dati mong alaga. Parang sa pagtatanggol sa isang kaso. Kung kukunin mong lawyer ang kaibigang abogado ng kalaban mo, mag-i-inhibit ‘yon.

Parang kami rin. No comment naman.

Hahaha!

DAHIL SA pagkapikon ni Mother Lily Monteverde sa di-pagsali ng komite ng MMFF sa ilang major awards para sa entry niyang Yesterday, Today, Tomorrow ay nagdeklara itong hindi na sasali sa MMFF next year.

Pero knowing Mother Lily? Galit ‘yan ngayon, bukas, nakalimutan na naman niya ang galit niya at parang lukresiang tatawa na naman ulit. Kung minsan nga, galit siya sa tao, pero binabati pa rin niya, eh.

Sasabihin na lang niya, “‘Wag mo na isip ‘yon. Okay na ‘yon. Life is too short. I want to be friendly to everybody!”

Kaya feeling namin, dalawa na naman ang entry niya sa MMFF next year.

Hahaha!

WALANG MAKAPAG-CONFIRM at nanatiling usap-usapan sa loob ng city hall ng Quezon City na mahigpit na makakalaban ni Mayor Herbert Bautista sa 2013 election si Bossing Vic Sotto.

Hati raw ang mga tsismoso sa kanilang opinyon. ‘Yung iba’y excited sa balitang ‘yon, ‘yung iba nama’y nagsasabing, “Alam ba ni Bossing kung gaano karumi ang pulitika?”

Sa pulitika pa naman, kahit gaano kalinis ang hangarin mong maging public servant ay bababuyin ka lang ng ibang tao.

Pero na kay Bossing Vic ‘yan. Pero kung kami ang tatanungin, sana ay ‘wag na lang tumakbo si Bossing. Mas masaya na ang buhay niya ngayon kesa gawin pa niyang kum-plikado.

Pero sabi nga, kung minsan, kahit nasa iyo nang lahat, me hinahanap-hanap ka pa ring kulang para makumpleto na ang existence mo sa mundo.

So wait and see na lang tayo for the development.

“JUICE KO, mare, sobrang touched naman ako kay Ms. Ai-Ai delas Alas, dahil ipinromote din niya sa Twitter ang pelikula ko. Sana raw, ‘yung mga nanood ng Enteng Ng Ina Mo, manood din ng movie ko sa January 8.

“Juice ko, that really made my day. Coming from the Queen, choosy ka pa ba?”

Sabi namin kay Pokwang, mukhang super positive na sa box-office ang kanyang movie, lalo na’t Graded A by the Cinema Evaluation Board ang kanyang movie, ibig sabihin, maganda talaga ang pelikula.

Dagdagan pa ng mga nakapanood na mula sa Amerika na walang sawang tweet nang tweet sa amin na super galing ni Pokwang, super nakaka-relate sila sa movie at super nakakaiyak ang mga eksenang aantig talaga sa damdamin ng makakapanood.

We’re so happy for Pokwang, dahil sobrang blessed siya ni Lord.

Eh, kasi nga, ang taong ito ay marunong ding mag-share ng blessings sa kanyang kapwa.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleLorna Tolentino, todo-asikaso ng binyag ng apo!
Next articleShalani Soledad, Buntis Kaya Inapura ang Kasal?!

No posts to display