Sang-ayon ang komedyante na si Vic Sotto sa sinabi ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films na ang Pasko ay para sa mga bata. Tulad kasi ng nakasanayan na natin na tuwing December 25, matapos maka-Pamasko ang mga bata sa kani-kanilang mga ninong at ninang, asahan mong susugod sila para panoorin ang mga pelikula na gusto nila.
Sa media launch ng pelikula ni Bossing Vic na “Enteng Kabisote 10 and The Abangers” kamakailan, na palabas na sa Wednesday, November 30, pareho ang naging sentimyento ni Bossing tulad sa reaksyon ng karamihan ng mga taga-showbiz na dapat respetuhin si Mother Lily at hindi na lang basta-basta mumurahin.
Say ng komedyante, “Hindi tama ‘yun. I go back to respect. Kahit anong sabihin nu’n respetuhin mo. You may disagree with her opinion, pero sabihin mo bakit ka nagdi-disagree, hindi ‘yung magmumura ka,” sabi nito tungkol sa isyu.
‘Yong starlet na bastos na ang pangalan ay Mercedes Cabral aka “Pepay”, tinawag na “fucking idiot” si Mother sa kanyang Facebook account, dahil lang sa isang isyu na hindi naayon sa paniniwala ni Pepay.
Sabi ni Bossing, “Kanya-kanyang taste lang ‘yan. Kanya-kanyang paniniwala, kanya-kanyang pananaw. But isa lang ang hinihiling ko, magrespetuhan kami. Respeto lang.”
Nalaglag man sa Magic 8 ng film festival ang “Enteng Kabisote 10 and The Abangers” na tradisyon na sa mga batang Pilipino na may napanonood silang pelikula ni Bossing Vic tuwing Pasko, mas mabuti na rin lang na mas napaaga ang showing ng pelikula. Sa Wednesday, November 30, may 200 na mga sinehan ang lalabasan ng pelikula nila kumpara sa MMFF na ili-limit ka lang sa kung ilan para mapagbigyan ang mga movies na alam mong lalangawin sa takilya at sa loob ng sinehan ay puwede kang mag-practice ng volleyball.
Reyted K
By RK VillaCorta