PUWEDENG PAGMAMALIIT o pagmemenos ang ipakahulugan sa tinuran ni Vic Sotto tungkol sa makakabanggaan nilang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival. Their entry—kasama sina Bong Revilla at Judy Ann Santos—will be up against an Ai-Ai de las Alas-Vice Ganda movie.
“Tuloy ba ‘yon?” Bossing asked the press in disbelief. At nang sabihing it’s all-systems-go, “Magkaiba naman kami ng crowd, magkaiba rin ang genre.” Pero agad kumambiyo si Bossing, “Ai-Ai is a very good friend of mine,” patungkol sa kanyang ka-tandem in last year’s festival, kung saan idineklarang top-grosser ang kanilang pelikula.
Samantala, excited din si Vic sa kanyang bagong game show sa TV5 replacing Who Wants To Be a Millionaire on primetime Sunday. Aired in over 40 countries, The Million Peso Money Drop reaches Philippine shores as yet another fun-filled game show that piloted last Sunday. Sa una nitong sultada, ang magkapatid na Eric at Epi Quizon ang nakipagsapalaran for the million-peso prize.
Ani Bossing, there lies a big difference between the two game shows. Sa WWTBAM, the lone contestant strives to get as much money as he can for every correct answer. Nasa sa kanya rin kung hihinto na siya while Vic prepares a cheque equivalent to the winnings that the contestant has so far made.
“Dito sa Money Drop, mataas na agad ang level of excitement. Hindi pa man kasi nagsisimula ang game, meron nang isang milyong piso ang pares ng mga maglalaro. Ngayon, diskarte na nila kung paano idi-distribute ang mga bundle ng pera (each bundle is worth P25,000). Kung sure na sure sila sa sagot, puwede nilang itodo ang kanilang bet,” says Vic of the mechanics.
NGAYONG ARAW nakatakdang ipalabas ang pelikulang “may puso, atay, bituka at iba pang lamang-loob,” any eaters? Ang tinutukoy namin ay ang well-crafted at wordl class na pagkakagawa ng Tiktik: The Aswang Chronicles sa direksiyon ni Erik Matti.
Shot on green screen from beginning to end, it’s not all special effects and the wonders of computer technology ang ipinagmamalaki ng horror film na ito. There’s also a thespic side to it dahil ang bida (at isa sa mga producer as well) ritong si Dingdong Dantes sheds off his goody-goody character via a roughie toughie.
Binigyan ng PG 13 rating ang movie, approved without cuts. Umaasa naman si Direk Erik that Tiktik will serve as a benchmark for all horror flicks in the near future with its trailblazing attempt at presenting a well-made end-product of this genre Pinoy style.
Hindi na kataka-taka kung ganoong kaganda ang kinalabasan ng finished product. Twenty tedious months in the making were spent to achieve cinematic perfection. And it paid off.
EMPLEYADO NA ngayon ng munisipyo ng Quezon City ang dating bold star na si Cherrie Madrigal na sumikat noong dekada otsenta.
Kamakailan, ipinanawagan si Cherrie sa isang himpilan ng radyo ang isinagawang demolisyon sa tinitirikan ng mga bahay nilang magkakapitbahay. Thinking that Cherrie’s problem is similar to the case of Whitney Tyson, naisip ng isang programa na gawin ang kanyang kuwento.
Natunton naman ng program staff ang contact number ni Cherrie, tinawagan nito ang dating boldie. Napag-alaman ng staff na bagama’t pinatalsik ng mga kaukulang ahensiya ng gobyerno sila mga informal settler ay binigyan naman sila ng lupa on easy installment terms.
Pero bahala na ang mga ni-relocate na is-kwater sa pagpapagawa ng kani-kanilang mga istruktura. Sa madaling salita, ang kuwentong inakala ng programa na kukurot sa damdamin ng mga manonood is a story with a happy ending.
Sa halip na tawagang muli, tinext na lang ng staff si Cherrie na hindi na gagawin ng programa ang kanyang istorya. Pero hindi pa man, nahulaan na ng mga katrabaho ng staff ang likely scenario: na hihingi ng tulong si Cherrie para ipambili ng construction materials para sa ipinagagawang bahay.
Bingo! Nag-reply ang hitad, humihingi nga ng tulong pambili ng mga materyales dahil pati sasahurin pa lang niya sa susunod na payday ay nai-advance na niya.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III