IPINAPAKITA NA ang teaser ng Kapamilya Deal Or No Deal, pero wala pang eksaktong date kung kelan ang pilot.
Nagpapa-audition na rin sila para sa mga kukuning taga-hawak ng attache case o 26k.
Ang alam ng marami, it’s still Kris Aquino who will be hosting the game show. Hanggang sa lumutang ang pangalan ni Bossing Vic Sotto na siya raw kapalit ni Mareng Kris.
Me source naman kaming nakausap ni Bossing at ang sabi lang daw nito, “Sana nga, pero wala pa namang nakikipag-usap sa akin, eh.”
Sabi naman ng isang source namin, dapat daw, si Kris ‘yon, pero mas type daw ng lola n’yo na umarte sa isang teleserye, dahil ‘yun daw ang gusto n’ya. Ang magpaka-aktres sa 2012.
‘Yung ke Vic naman daw eh, tatapusin lang ang Who Wants To Be A Millionaire, (hindi lang kami aware kung umeere pa ito o tapos na).
Anu’t anuman, bonggang idea ang Vic Sotto to host Kapamilya Deal Or No Deal, dahil panalo sa advertisers si Vic. Obvious ba eh, ang dami niyang TV commercials? ‘Yung mga ine-endorse lang nito ay otomatik nang magpapasukan sa show.
Pangalawa, parang Hari ng Game Show si Vic ngayon. Walang effort kung mag-host, pero nandu’n ang dating.
Anyway, anu’t anuman, kung si Vic na o si Kris pa rin ang magho-host ng Kapamilya Deal Or No Deal, “big deal” ito sa mga tsismoso.
NAKAKATUWANG KATRABAHO ang mga beteranong sina Eddie Gutierrez, Ms. Helen Gamboa at Ms. Susan Roces sa Walang Hanggan na simula na sa Jan. 16 pagka-tapos ng Budoy.
Since andu’n din kami at ginagampanan namin ang pagiging “kanang kamay” ni Ms. Helen ay nasambit namin sa aming sarili, “Sana, lahat ng artista, bago man o beterano, gawing modelo ‘yung tatlo.”
Tahimik lang silang nagtatrabaho, magiliw sa lahat ng tao sa set, kaya mararamdaman mo ang respeto sa kanila ng mga tao.
Hindi sila ‘yung maarte na kailangan ng sariling dressing room, demanding sa set at maldita.
Lagi silang nakangiti sa mga tao, kaya hindi rin kami nate-tense sa kanila, kaya ang respeto namin sa kanila bilang artista at bilang tao, mataas.
Sana, tularan sila ng ibang artista, lalo na ng mga baguhan para ang respeto sa kanila ng mga tao, walang hanggan.
O, ‘di ba, nai-promote pa?
GUSTO RIN naming papurihan si Paulo Avelino na hindi marunong magreklamo kahit matagal bago kunan ang mga eksena niya.
(Suwertihan lang naman ‘yan kung sunud-sunod kang kukunan o mahaba-haba ang tengga mo ‘pag artista ka ng teleserye)
Lagare ngayon si Paulo sa dalawang teleserye: ang Walang Hanggan at Ikaw Ay Pag-ibig.
Eh, parehong MWF ang taping days nito, kaya para siyang mana-nanggal na hinahati ang kanyang katawan para mapuntahan ang dalawang taping.
“Four taping days na lang din kasi ang Ikaw Ay Pag-ibig kaya ilang araw na lang, makakaraos na rin ako!
“Masaya naman, eh. Masayang maging Kapamilya!”
Hindi naman ikinakaila ni Paulo na isa na siyang ama. Proud pa nga siya dahil kaya siya nagpupursige sa trabaho dahil ang baby boy niya ang kanyang inspirasyon.
Kaya saludo kami kay Paulo. Habang irita naman kami sa mga nag-dedenay na sila’y may anak na, lalo na sa mga nagpapalaglag.
God bless you always, Paulo!
Mahal na kita. Chos!
Oh My G!
by Ogie Diaz