Vic Sotto at Pauleen Luna, inilabas na ang listahan ng wedding entourage

 alt=

Pauleen-Luna-Vic-SottoInilabas na sa media ng soon-to-wed couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ang kumpletong listahan ng magiging bahagi ng kanilang engrandeng kasalan. Bagama’t ayaw pang banggitin ng dalawa kung kailan at saang simbahan magaganap ang kasal, ayon sa ilang lumabas na report, nakatakda itong maganap sa katapusan ng buwan, January 31.

Magaganap umano ang official announcement ng petsa at lugar kung saan gaganapin ang kasal sa noontime show na “Eat… Bulaga!”, ayon pa kina Vic at Pauleen Luna.

Kabilang sa mga principal sponsors sina Sen. Tito Sotto, Mrs. Carmencita Garcia, mag-asawang Mr. Tony Tuviera at Mrs. Madeleine Tuviera, Joey de Leon, at Dr. Salvacion Gatchalian.

Matron of Honor si Ruby Rodriguez; Best Man si Vico Sotto, anak ni Vic kay Coney Reyes; at Maid of Honor ang best friend ni Pauleen na si Franchesca Que.

Groomsmen ang mga kapatid ni Vic na sina Val at Maru Sotto, gayundin sina Anjo Yllana, Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Kasama naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang Bridesmaid sina Anne Margaret Luna, Leah Camille Agcaoili, at Mara Isabel Sotto.

Ang anak naman ni Vic kay Angela Luz na si Paulina Sotto at kapatid nitong si Miguel Mario Luna ang Candle Sponsors; ang mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris ang Veil Sponsors; at sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa ang Cord Sponsors. Mga anak ni Vic sa kanyang unang asawang si Dina Bonnevie sina Danica at Oyo.

Ang anak nina Marc at Danica na si Jean Michel Pingris ang Ring Bearer; ang anak nina Oyo at Kristine na si Kristian Daniel Sotto ang Coin Bearer; ang apo ni Tito Sen na si Alessandro Jose Sotto ang Bible Bearer; at si Marciano Dominico Antonio ang Rosary Bearer.

Flower girls naman sina Ryzza Mae Dizon, Ellenor Rose Lagrio, Anielle Micaela Pingris na anak nina Canica at Marc; at Ondrea Bliss Sotto, anak nina Oyo at Kristine.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleKontrobersiya sa pagitan ng MMFF at pelikulang “Honor Thy Father”, diringgin na sa Kongreso
Next articleMag-inang Lala Aunor at Marion, ‘di naging maganda ang karanasan sa San Fancisco show

No posts to display