KAHIT MAY STO. Kristo pa sa dibdib si Bossing Vic Sotto, tiyak na tatablan ng katakam-takan na alindog ni Paula Taylor, bagong leading lady niya sa pelikulang Love Online ng pinagsamang M-Zet TV, Octo Arts Films at APT Films.
In a brief interview with Paula, na-win din niya ang puso ng movie press na dumayo pa sa CCP noong Sabado. Nagawang sagutin ng pagkaganda-gandang dalaga ang mga tanong sa kanya, habang nilalantakan ang pancit canton at halu-halong ginataan sa Dencio’s.
Sa Internet na-negotiate ang participation ni Paula sa bagong movie ni Bossing Vic. Agad ipinagtanggol ni Bossing ang sarili nang sabihin ni yours truly na ang galing-galing niyang pumili. “Hindi ako, ha?” Aniya. “Sila ang may gawa niyan,” sabay turo kina Orly Ilacad at mga kasama nito na isang taon at kalahati ring nagtiyaga para makuha si Paula at all cost.
Ang haba-haba at galing-galing ng resume ni Paula. Isinilang siya ng Thai mom at British dad sa Bangkok noong Jan. 20, 1983. Pero, lumaki siya sa Australia living in style, ‘ika nga, na ini-enjoy ng mga Australians.
Kahit nasa Australia, madalas bumisita si Paula sa pinag-ugatan niya. Hindi nakaligtas saan man siya pumunta ang potential niya. Ganda, talent at kakayahang maging modelo, eventually, artista sa Hollywood. Pagkatapos ng high school, balik-Thailand siya para i-pursue ang modelling career at napasabak agad sa kaliwa’t kanang modelling job na sinamahan pa ng television shows, TV commercials at Thai feature films bago naging regular VJ for Chan. V Thailand.
Nag-blossom nang husto ang kanyang career sa Thailand kung kaya’t kumalat ang kanyang billboards. Kahit saang sulok sa Thailand, nakabalandra ang kanyang mukha. More and more regional recognition ang kanyang tinamo at naging overnight household name siya nang umapir kasama ang childhood friend niyang si Natasha Monks sa “Amazing Race Asia 2.”
Hanggang ngayon, nanatiling endorser at spokesperson siya ng iba’t ibang multinational products. Katatapos din niyang i-shoot sa Hollywood ang supernatural thriller na Shadow, na saiyang film debut niya as second female lead, with no less than Award winning actor Willam Hurt, Cary Elwes at fellow Thai actress Ploy Jindachot. May fashion boutique din si Paula sa Thailand called “Polita.”
Kabilang sa winning ways ni Paula ang pagiging madaldal, bungisngis, at pagka-comedian, kung kaya’t mapapalaban tiyak sa kanya si Bossing Vic.
Nang tanungin kung kilala niya si Elizabeth Taylor, agad siyang sumagot: “Maybe a distant relative!”
Si Maui Taylor? “Probably a relative too,” sagot niya.
Si Nikki Taylor (kung sino man siya)? “Maybe, another relative too.”
NAKAKALUNGKOT IBALITA NA possibleng ang pinakamalaking project ni Katrina halili para sa Octo Arts Films na Ms. X ay mawala rin sa kanya. Pang-international pa naman ito. Ito ang naging impression ng inyong lingkod sa sagot ni Orly, producer ng pelikula. Wala kasi siyang maisagot.
Napakalaking pelikula pa naman iyon, dahil si Ms. Vilma Santos ang naging tampok sa unang Ms. X na naging blockbuster noong mga panahong iyon.
Gayunpaman, makonsensiya na rin sana si Hayden Kho sa lahat ng nangyayari ngayon kay Karina. Hindi lang niya inalis ang puri ng isang babaeng Pilipina. Hinubaran niya ito ng pagkakataong kumita at makatulong sa kanyang pamilya. Kailangan pa naman niya ng sapat na halaga para maipaglaban ang kanyang kaso.
Sana nga, tumulong na nang husto ang kanyang mother studio, kahit may kabagalan ang aksiyon nito. Sana bumawi naman sila sa pagpapabaya nitong mga nakaraang buwan. Huwag nilang ilaglag ang kanilang artista. Sana rin, tulungan din nila sina Yasmin Kurdi at Aljur Abrenica.
BULL Chit!
by Chit Ramos