KALIWA’T KANAN ang “negative review” ng ilang bloggers at netizens sa My Little Bossings. Hindi nila nagustuhan ang pelikula. Puro Raw commercial. Wala na raw bang mas maganda-gandang konsepto si Bossing Vic kung gusto nitong pamaskuhan ng pelikula ang kanyang moviegoers?
Actually, meron din namang nag-enjoy, dahil pambata. Lalo na’t nandu’n si Ryzza Mae Dizon at first time makikita si Bimby Aquino Yap.
Pero ang nakakalokah, umabot na ito sa P300-M mark, so you can’t argue with success, ‘ika nga.
Kanya-kanya namang taste ang tao, eh. Kahit nga kami, para sa amin, me mas magagandang pelikula nitong filmfest kumpara sa My Little Bossings, pero pinanood pa rin namin ito kasama ang mga anak namin.
In fairness, naaaliw naman ang mga anak ko, tumatawa naman sila.
Kung papapanoorin ba namin sila ng 10,000 Hours, maiintindihan nila? O, Boy Golden? Hindi naman, eh.
Nagkataong pambata ang My Little Bossings at alam naming ito ang maa-appreciate nila, kaya ito ang napanood nila.
Saka pera naman ‘yan ng mga tao. Kung nabobobohan ‘yung ilang netizen sa mga nanonood ng My Little Bossings, eh ba’t n’yo pinanood?
Hahahaha! Again, uulitin ko: you can’t argue with success.
Oh My G!
by Ogie Diaz