DARATING SA PILIPINAS si Adam Lambert, ang 1st runner-up ng Season 8 ng American Idol para sa kanyang 1st concert sa bansa sa October 10, 8 p.m sa SM Mall of Asia concert grounds. October 9 ang dating niya rito kaya kinabukasan ay hataw na sa concert.
Ikalawang Asian country ang ‘Pinas na pupuntahan ni Adam sa kanyang Asian concert tour. Manggagaling siya ng Japan, then after dito ay lipad agad siya ng Hongkong for his October 12 concert, and then Malaysia.
Ang Blue Dream Entertainment Productions, kung saan bossing si Mr Christian Andoy, ang nakakuha ng serbisyo ni Adam, na ang talent fee raw ay “hindi mura at hindi rin ganoong kamahal.” Si Mr Andoy ay may real estate at mining business rin at nakapag-produce na rin ng iba’t ibang local concerts recently. Kabilang na rito ang Star Magic Concert (in cooperation with ABS-CBN), Regine Velasquez sa Cagayan and Bacolod, at Vice Ganda sa Dumaguete City.
Ayon sa chika, super-metikuloso raw si Adam (at ang grupo nito) sa mga detalye ng concert, ipinapa-scan at fax/e-mail pa ang kotseng sasakyan nito dito sa ‘Pinas, lalo na ang tatlo o apat na choices na hotel na titirhan niya; dahil may choice siyang i-reject ang mga ito kung ‘di niya type, huh!
Nilinaw rin ng producer at VP for sales and marketing ng concert na si Ms Lalaine dela Cruz na hindi totoong exempted sila sa amusement tax, gaya ng pagkakadawit ng name ni Adam sa isang broadsheet na exempted daw ito sa buwis mula sa Pasay City government.
“Unfair sa Pasay City government dahil maayos nakipag-usap regarding tax ang Blue Dream. Naka-monitor ‘yan and we already paid the sales tax,” diin ni Ms Lalaine.
“HINDI KO KINU-CONSIDER ang sarili kong mabait!” ‘Yan ang diretsahang dialogue ni Vice Ganda sa presscon ng launching movie niyang Petrang Kabayo mula sa Viva Films, directed by Wenn Deramas na may October 13 playdate na sa mga sinehan.
Marahil ay nagpapakatotoo lang sa kanyang sarili si Vice. At sa isyung lumalaki na raw ang kanyang ulo, say ng hitad: “Hindi po lumalaki ang ulo ng isang tao. Kung ano po ‘yung pagkakakilala n’yo sa akin mula pa noong nagsimula ako, ganoon pa rin ako.
“Ever since, mayabang na ako, pero nasa lugar. Mas mayabang nga ako noon eh, feeling ko, mas mabait na ako now.”
Imbiyerna naman ang beauty ni Vice nang “ipagkait” sa kanya ng tadhana na hindi niya totally mabosohan o ma-sight ang “notes” ng co-actor niya sa Petrang Kabayo na si Luis Manzano sa ligo scene nito with Tom Rodriguez and Deejay Durano, samantalang ang mga hitad na make-up artists eh, nakita ang “kargada” ni Luis, pero siyang bida ay hindi!
“Nakatalikod kasi ako noon!” chika ni Vice na may tonong asar-panghihinayang. “’Yun na sana ang kukumpleto sa pagkabakla ko!
Say ni Direk Wenn, na-video o nakunan pa ng cellphone cameras ng mga bading na makeup artist ang aksidenteng pagkakahugot ng tuwalyang nakatapis kay Luis, pero pinabura na niya ito sa mga vaklesh. “Tama na ‘yung makita ng mga mata nila!” say nito.
Malaki ang tiwala ng Viva Films sa kakayahan ni Vice and feeling ng producers, it’s high time na ilunsad na sa big screen ang sikat na Showtime host, habang mainit pa ito sa publiko, ‘ika nga.
KUNG BAKIT NAMAN kasi pinaiikot yata nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang publiko sa kanilang statements tungkol sa kanilang pagpapakasal?
Una ay sumabog sa press na ikinasal na nga sila sa Baguio. Then, itinanggi ito ni Binoe, na ikinagalit ng nagkasal sa kanila sa Baguio. Nag-isip tuloy ang buong showbiz na gumigimik lang ang mag-dyowa.
Hanggang sa inamin ni Robin sa isang cable show na totoong ikinasal na nga sila sa India, weeks bago pa naganap ang Baguio thing.
Ano ba talaga? Kilala ng publiko ang katapatan ng isang Robin Padilla, pero this time, para yatang pinaiikot nila ang public? Well, whirlwind romance nga kasi ang pag-iibigang Robin-Mariel, ang manager na mismo ni Mariel na si Boy Abunda eh, “nabaliw” sa mga eksena ng alaga huh!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro