Vice Ganda and manager Ogie Diaz in frequent disagreements

BLIND ITEM: CORRECT me if I’m wrong, Kuya Dan, once pala na may mabalitaan man lang ang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) sa hanay ng mga artistang gumagamit ng drugs (not even pushers) ay puwede pala nila itong isakote?

Basta raw may sumbong, whether may basehan o wala, maaari raw ipatawag ng naturang sangay ng gobyerno ang artista who’s doing drugs. So, paano na pala, Kuya Dan, ang aktor na ibinlaynd item mo noong Lunes, eh, may karagdagan pa akong impormasyon tungkol sa kanya?

Let me assign countries to the characters involved in yet another PDEA’s intensified crackdown on drug users, this time mga tao mula sa showbiz.

Blind item nga ito, ‘no, kaya huwag kang basta-basta magre-react, Peru (manager ng aktor)!

Mas pinili na lang huwag sagutin ni Denmark ang mga paratang ng kanyang dating dyowang si Jamaica. Kung ipagpipilitan pa raw kasi ni Denmark ang kanyang punto, mapipilitan na siyang ilaglag ni Jamaica sa sikreto nito.  Intrigued, nagtanung-tanong tuloy kami sa kung ano nga ba ang lihim ng bansang ang kabisera ay Copenhagen.

Eh, kaya naman din pala inisplitan si Denmark ng nauna niyang dyowang aktres na si Poland dahil sa isyu rin ng drugs!  Ito rin kaya ang dahilan kaya nakipagkalas kay Denmark si Costa Rica? As an added tsika, Kuya Dan, bago raw pala umakyat sa studio na pinagdarausan ng lingguhang variety show si Denmark, nahuli siya ng staff sa basement parking lot na nagma-marijuana!

So, confirmed na isa palang drug user si Trinidad & Tobago, este, si Denmark?

SPICING UP THE manager-artist relationship between Ogie Diaz and Vice Ganda are frequent disagreements, pero para naman ‘yon sa lalong ikabubuti ng kanilang partnership and career.

Pag-amin ni Vice Ganda sa presscon for his July 1 concert at the Big Dome billed as Vice Ganda, Todo Sample sa Araneta, may mga pagkakataong sinusunggaban ni Ogie ang mga offer sa kanyang alaga without consulting the latter.  Inaalmahan lang naman daw ni VG ang mga bagay na ayaw niyang gawin, regardless how tempting the talent fees may be.

Sa tulad ni Vice Ganda na luxury na yata ang magpahinga sa rami ng mga pinagkakaabalahan, iniinda rin nito ang pagod. Again, this becomes an issue between him and Ogie. “Naku, mag-e-emote na ‘yang di Ogie, may nalalaman pang tulay  ‘yan sa Guadalupe. Kesyo nadadaanan ko raw ba ang mga nakatirik na squatters’ homes du’n, mga taong ang dami-daming problema sa mundo, samantalang ako raw, eh, dami ng trabaho ang pinoproblema? Siyempre, kunwari dedma ako habang naglilitanya siya, pero ‘pag alis niya, nare-realize ko naman na tama si bakla!” kuwento ni Vice Ganda.

At this point, sobra-sobrang grasya na raw ang natatanggap ni VG, such heavy downpour of blessings that he has hardly imagined. “Nahihiya na nga ako sa Itaas, kasi hindi ko naman hinihingi pero ibinibigay Niya sa akin.”

Pero sa pagkakataong ito, mounting his second major solo concert ay muling ipinanghihingi ni Vice Ganda ng suporta. Barely a month away, there’s already a boom in ticket sales.

BUBULABUGIN NG FACE To Face ngayong Biyernes ang isang barangay sa Angono, Rizal nang isalang ang magkalabang beki dahil sa umano’y pananabutahe sa sinalihang byukon.

Sa episode na pinamagatang Ninakawan Ng Gown At Sinunugan ng Make-up Kaya Bading sa Gay Contest ay Loser At Bitter!, pinaratangan ni Aiyana ang title-holder na si Francine na nagmating (nagnakaw, Kuya Dan) ng kanyang gown. ‘Di pa raw nakuntento, sinunog pa nito ang kanyang emyas (makeup, Kuya Dan). Todo-deny naman si Francine sa akusasyon ng tinalo niyang beki, dahil ‘di hamak na mas maganda at matalino raw siya.

Ang nakakaloka, may rematch sa pagitan nina Francine at Aiyana na kokoronahang Ms. Gay Face To Face!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 75 June 8 – 9, 2011
Next articleBulacan Mayor Patrick Meneses will not settle amicably with Aiko Melendez

No posts to display