PINAGHAHANDAAN na ngayon ng Viva Entertainment ang magiging entry nila sa daratng na 2022 Metro Manila Film Festival. Ang pelikula ay pagbibidahan ng Unkabogable Star at It’s Showtime host na si Vice Ganda.
Inanunsiyo ito kamakailan ni Vincent del Rosario, ang president at COO ng Viva Films sa ginanap na “Summer to the Max” campaign ng kanilang streaming app na Vivamax, ang nangungunang Filipino streaming platform sa bansa na meron ng 3 million subscribers.
Inisa-isa rin ni Vincent ang ilang major projects na inihanda nila para sa kanilang mga subscribers. Kabilang na dito ang mga comeback movie ng mga sikat na Viva artists tulad nina Anne Curtis, Sarah Geronimo at Vice Ganda.
“Si Anne, hinihintay lang yung script. In essence, okay naman siya. Gusto lang niya mabasa ang script so that can happen in the next quarter, in the next few months.
“Si Sarah, nag-line up sina Val (del Rosario) ng mga ipi-pitch na concept sa kanya. Medyo mas mahirap lang kasi very selective si Sarah sa gusto niya.
“Meron siyang concept na gusto. Kailangan lang i-fine tune para pumasok sa gusto niya. Basically, ang gusto niya, gumawa ng musical movie so we have to find the right theme.
“Si Vice naman, inaayos na. Nag-uusap na sila ni Boss Vic for her next project. Hopefully for the festival and there after, for the platform,” sabi pa ng Viva executive.
Sa previous interview ng Puah kay Vice Ganda ay nito na talagang excited na siyang gumawa uli ng pelikula, Natakot lang daw siyang siyang lumabas noong kasagsagan ng pandemya.
“Kung maayos lang ang sitwasyon nakagawa na dapat tayo, di ba? Gigil na gigil na rin kami nina Boss Vic (del Rosario ng Viva) na gumawa ng pelikula. Kahit na ang Star Cinema gigil na gigil na kami.
“May mga naplano na kami. Nakailang creative meetings na kami, ang dami ng nabuo pero dahil sa ganitong sitwasyon paano kami makakapagsyuting.?Ayoko naman ng shooting na lock-in na one week tapos tapos na yung pelikula.
“Di ba, nakakapitu-pito, sabi ko, ‘No, ayoko ng mga ganyan!’ Kahit sila din naman, hindi naman papayag ang Star at ang Viva na ganung klaseng project lang. Kailangan unkabogable, di ba, hindi puwedeng puchu-puchu, Hindi talaga ako lumalabas kasi takot na takot ako. Hindi talaga ako lumalabas at all. Yung Showtime lang ang inilalabas ko,” pahayag noon ni Vice Ganda.