JIVE NA jive ang mga Sisteraka. Kung hindi lang nahiwalay si Kris Aquino kay James Yap, malamang, happy ang tatlong magkakaibigan na sina Ai-Ai delas Alas, Vice Ganda at Kristeta at lagi nila marahil kasama sa basketball games ang Queen of All Media.
For the first time, magsasama ang tatlong big stars at box-office greats ng local film industry sa iisang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival sa entry ng Star Cinema at Viva Films, ang pelikulang mukhang hihigitan ang pelikula nina Senator Bong Revilla, Bossing Vic Sotto at Judy Ann Santos.
Speaking of basketball, ito ngayon ang present na mundo nina Ai-Ai at Vice while si Kris; kinalimutan na niya ito.
Palagi palang magkasama ang dalawang komedyante kapag nanonood ng games dahil ang boyfriend ni Ai-Ai na si Jed Salang na isang cager ang siyang nagpakilala sa BF ngayon ni Vice na isa ring manlalaro.
Balita nga namin, hindi lang ang tsismis na kasal na ang komedyante at ang BF niya kundi nagli-live-in na ang dalawa.
Pabiro nga ni Ai Ai, “Sa edad ko ba namang ito, kailangan ko pa bang magpaalam sa nanay ko. It’s sort of living-in?”
Ai-Ai deserves to be happy kaya kesehodang kinasal man o nagli-live-in, keber naman natin, ‘di ba?
Ang mahalaga, happy ang lola!
HAPPY TO learn na portion of Kris Aquino’s salary sa ABS-CBN this December ay ido-donate niya sa mga biktima ng bagyong Pablo.
Kung sa bagay, si Tetay naman palaging nagsi-share ng kanyang mga blessing at patunay ‘yong nakaraang pagtitipon ng media last Saturday kung saan aside from her Christmas gift ay nagbigay pa siya ng additional pa-raffle.
No wonder, ang mga blessings na natatamo niya ay umaapaw dahil marunong siyang mamahagi just like Ai-Ai delas Alas.
NATAWA AKO nang sabihin ng isang reporter na kung inaasahan ko na malamang magiging kulelat ang pelikula ni Nora Aunor ang Thy Womb sa darating na MMFF ay nagkakamali raw ako.
Biglang sulpot sa kamalayan ko ang pelikulang Sossy Problems ng GMA Films. Meron palang ganu’ng entry na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Heart Evangelista and the “others”.
Kuwento ni Ms. F, na nakapanood ng Thy Womb sa special press preview ng pelikula last Monday, maganda raw ang pelikula ni Nora. Rave na rave din ito ng mga nakapanood.
Sa acting, may laban daw sina Lovi Poe at Mercedes Cabral sa Best Supporting Role.
May eksenang ipinakita ang “pepe” ni Lovi habang nanganganak na timing na lumalabas ang sanggol sa pwerta na hopefully hindi ma-edit.
Sa darating na MMFF, bongga ang magiging labanan sa takilya at awards. Ang dramang obra ni Brillantes Mendoza; ang family drama na One More Try nina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo at Angel Locsin; ‘yong dalawang horror movies kung saan kabilang sa dalawa si Janice de Belen; ang fantasy-comedy treat sa Pasko nina Bong, Vic at Juday; ang historical film na El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story ni Laguna Gov. ER Ejercito (sa totoo lang fabulous ang trailer at well researched ang production design) at ang baliw-baliwan sa katatawanan na Sisterakas.
May nakalimutan ba ako?
BIRTHDAY NI Lucy Torres yesterday, Dec 11. Pre-birthday treat ng mister niyang si Goma ay ang panonood nila ng magkasunod na concert last weekend ni Elton John at Sting.
Sa dalawang concerts pa lang, sulit na sulit na si Misis.
Reyted K
By RK VillaCorta