Marami ang naghinayang, isa na kami, sa pagkalaglag pelikula ng Star Cinema sa pinagpilian para makapasok sa MMFF 2016 as as an official entry.
Sayang at hindi magiging masaya ang mga bata ngayong Kapaskuhan lalo pa’t hindi nakasama ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin, kasama sina Simon “Onyok” Pineda at McNeal “Awra” Briguela sa napili ng MMFF 2016 screening committee.
Sa isang panayam kay Direk Joyce Bernal, sinabi niyang nang i-submit nila ang pelikula ay naka-picture-lock pa lang ito.
Ayon sa direktor, “Ang picture-lock po kasi is edited siya, pero hindi siya na-dub, walang music ‘yung picture-lock.”
In short may kulang pa. Sa madaling salita, hindi pa ito tapos tulad sa inaasahan na 100% na dapat buo ang obra based sa new ruling ng pamunuan.
Alam ni Direk Joyce na may pagkukulang sila nang i-submit nila ang pelikula para makahabol lang sa deadline. Ayon kay Direk ay okey lang kung may kakulangan (picture-lock pa lang) ang pelikula nang i-submit nila ito just in time sa deadline.
Alam niya na okey para sa MMFF screening committee na sa ganitong stage pa lang ang pelikula nang i-submit nila.
Sabi niya tungkol sa pagkaligwak ng pelikula niya na intended talaga for MMFF 2016,“Paano ka lalaban sa mga pelikula na nabuo na talaga nila?”
Laking paghihinayang ni Direk kasama nina Vice at Coco na hindi napasama ang pelikula nila sa Top 8 entries sa darating na Kapaskuhan. Tradisyon na rin naman na basta Christmas, asahan mo na ang pelikula nina Vice at Coco ay magpapasaya sa mga tao, lalo na sa mga bata.
Hindi man makasasali ngayong Kapaskuhan, heto’t napaaga ang pagpapalabas ng movie nina Vice at Coco na “Super Parental Guardians” na mapanonood na sa darating na November 30 sa mga sinehan nationwide.
At least maagang Pamasko ito para sa lahat.
Reyted K
By RK VillaCorta