NANG DAHIL sa success ng pelikulang GBBT nina Vice-Ganda at Direk Wenn Deramas, marami ang nagri-request na magkaroon ito ng part 2. Sa pangyayaring ito, mahihirapang mapaghiwalay ang tandem nilang dalawa. Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng Star Cinema at Viva Films ang susunod nilang movie project together. Pero hindi pa sigurado kung magkakaroon nga ng part 2 ang GBBT dahil mahirap pantayan o higitan ang kinita nito sa takilya. Naka- P420 million na ito at hanggang ngayon ay showing pa ang GBBT sa mga sinehan for it’s 3rd week.
Na kina Vice-Ganda at Direk Wenn ang final decision kung gagawin nila ang part 2. Naitanong na namin ito sa box-office director kung magkakaroon ng part 2 if ever malagpasan nito ang kinita ng Sisterakas na entry sa Metro Manila Film Festival 2012.
Say ni Direk Wenn, “Napakahirap gawin ang GBBT, mabusisi, nakakapagod halos one or 2 sequences lang ang nakukunan namin sa isang araw. Apat kasi ang character ni Vice, papalit-palit ng outfit, make-up at ‘yung look niya kailangan tama sa character na ipo-portray niya. Tapos, kapag nakunan mo na ‘yung apat na characters, pagsasama-samahin mo sila sa isang frame. At saka, ang taas ng expectation, hindi maiiwasang magkaroon ng comparison. Iko-compare nila ‘yung kinita ng GBBT 1 sa part 2, napakahirap. Nakaka-pressure gawin. Kailangang mahigitan namin ni Vice ‘yung part 1. Hindi ganu’ng kadali para gawin ang part 2. Ito ang pinakamahirap na pelikulang ginawa ko.” Dialogue ni Direk Wenn noong time na ginagawa pa lamang niya ang GBBT nila ni Vice na entry sa MMFF 2013.
Pero sa naging resulta ng GBBT nina ni Vice-Ganda at Direk Wenn sa takilya na breaking all the records sa box-office, posibleng magkaroon ng part 2 ang GBBT. Tanging ang box-office director lamang ang makakasagot nito. Abangan natin ang magiging pahayag niya tungkol dito.
KAKAIBA ANG ambiance ng The Crowd Bar & Restaurant , the new entertainment venue in Madison Square, Pioneer St., Mandaluyong, compared sa ibang bars in Metro Manila. You will experience a unique vibe, features topnotch singers and bands.
Sa pocket presscon ng The Crowd Bar, through the invitation of Richard Villanueva (singer & The Crowd Bar Entertainment Director), nakilala namin nang personal ang mismong owner na sina Cora Rodrigo of GoldMine Production together with co-owners Pia Espedio, Zaldy Carpeso, Cris Roxas and Gene Sison. The venue is to showcase some of the best singers and performers in town. Nakapag-perform na rito ang Side A, Freestyle, Juris, Faith Cuneta, Jeremiah, Spirit of 67, Class of 6, and Fat Session.
May pakulo rin sila every Tuesday, “Crowd Idol” search hosted by singer Richard Villanueva. More than P150,000 worth of prizes ang matatanggap ng grand champion, which includes beauty treatment packages from Dr. John Cenica of Jancen Cosmetic Surgery.
Naka-line-up mag-perform sa The Crowd Bar ang Side A main man Joey Generoso’s birthday concert on January 15 with his band members. On January 16, Robin Nievera on stage, headlines his own show. Regular performers are Jeremiah (Froilan Lorenzo Calixto, Piwee Polintan and John Patrick Cruz, new member of the group) every Thursday and the Crowd Diva Laarni Lozada and Richard Villanueva every Friday.
Thanks to Ms. Joy Sison of Joy For All Seasons sa kanilang giveaway fashion collection bracelet and necklace same with Dr. Leck Guerrero, Mariflor Evangelist-–Calizo, Leilani Espinola-Morato and Yohj Lopez of Jancen Cosmetic Surgery.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield