DEADMA LANG si Eugene Domingo kapag nakaririnig o nakababasa na mataas na ang kanyang lipad. Hindi na raw ma-reach, nalunod na raw sa isang basong tubig dahil sa tagumpay na tinatamasa niya sa ngayon. Lalo pang nadagdagan ang kayabangan nito nang maging big hit ang pelikula niyang Kimmy Dora, The Temple of Kiyeme ng Star Cinema.
Pero kapag tinanong mo naman ang malalapit na kaibigan ng magaling na komedyana, pawang papuri ang sinasabi ng mga ito kay Uge. Ibig sabihin, hindi siya nagbago ng pakikitungo sa kanyang mga kaibigan o katrabaho sa movie industry. “Hindi ako mapagpatol sa intriga kaya sorry na lang sila. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin sa akin, I don’t care. Happy ako sa takbo ng career ko, ‘yun ang importante,” simpleng sagot ni Uge na hindi namin alam kung nagtataray o natural na sa kanya ang ganu’ng attitude.
Pero kapag ini-interview si Eugene, masaya nitong sinasagot ang mga katanungan. Kaya lang kapag hindi niya nagustuhan ang tanong ng press, saka lamang nagtataray ito nang pabiro. Minsan na naming na-experience ang pagtataray ni Uge sa isang reporter sa presscon ng Kimmy Dora, 3 years ago. Naging topic kasi ang pagpaparetoke ng ilan nating celebrities. Introng tanong, hindi ka ba against sa mga babaeng nagpaparetoke? “Hindi, kung ikagaganda nila at kailangan, choice nila ‘yun.”
Tinanong uli ng reporter ang magaling na comedienne. Anong parte ng katawan ang gusto mong iparetoke? “Teka nga, bakit pulos retoke ang tinatanong mo sa akin? Sige, mauna kang magparetoke, susunod ako,” nagtataray na biro ni Eugene na nauwi sa tawanan at halakhakan.
Inamin ni Eugene, kung minsan kasi walang sense ‘yung mga question na ibinabato sa kanya kaya dinadaan na lang niya sa biro, pero hindi ibig sabihin ay nagtataray siya. Game naman daw ang komedyana na magpa-interview kahit anong topic ang gusto ng kanyang kausap huwag lang siguro ‘yung kababawang tanong. Ganu’n?
CANDIDATE DIN si Vice- Ganda sa pagiging mayabang at mataas ang ere dahil tinagurian siyang box-office king. Ang isang ugaling kinaiinisan sa kanya, ang hilig pa nitong mambara ng mga contestant sa Showtime na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya. Feeling kasi niya ay nasa sing-along comedy bar siya na pinaglalaruan ang audience. Iinterbyuhin ang customer, lalait-laitin, bago ito pakantahin. Marami ang nakapansin sa mabilis na pagbabago ng pag-uugali ng comedian lalo pa’t kumita ang kanyang mga pelikula tulad ng Petrang Kabayo at Praybet Benjamin na parehong dinirek ng box-office director na si Wenn Deramas.
Bukod sa flying high ang talent fee per show ni Vice sa mga probinsiya. Kailangan, pagdating niya sa venue, isasalang agad siya. Naiirita raw ito kapag pinaghihintay, lalayasan kang walang pasing-tabi, tsika sa amin. Kahit magaspang daw ang pag-uugali ng comedian at mataas maningil ng TF, palaging full-packed naman ang kanyang show. Minsan nga, may pangyayaring sold-out na ang tickets, nagbebenta pa raw ang producer sa kagustuhang nitong kumita pa nang malaki. Ang nangyari, nagkasira-sira ang venue sa dami ng taong gustong makapasok para panoorin si Vice-Ganda. Tuloy, ang kinita ng producer, nauwi lang sa pagpapaayos ng kanyang bar.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield