ITANGGI MAN nina Vice Ganda at Vhong Navarro na nagkaroon sila ng tampuhan sa kanilang show sa ABS-CBN ay hindi naman naitago ng mga taong nakasaksi sa kanilang show na madalas silang magsigawan at magtalo dahil sa mga jokes na ginagawa sa show.
Madalas daw diumano barahin ni Vice ang jokes ni Vhong na hindi kinagusto ng huli kaya nauuwi sa talakan at sigawan.
Pero kung ang dalawa raw ang tatanungin ay balewala sa kanila ang nangyari pero nungka ay saksi raw ang mga tao sa naturang studio na talagang nagsigawan ang dalawa dahil napipikon ang isa’t isa.
Anyway, knowing Vice, wa epek dito kung anuman ang maging hidwaan nila ni Vhong. Lalo na ngayon magiging busy na naman ito sa paggawa ng movie kasama si Kris Aquino na pang-Metro Manila Film Festival pa.
Ngayon ay tuloy na tuloy na ang kanilang movie entry sa MMFF at si Direk Wenn Deramas na ang kanilang director.
Alam din nina Kris at Vice na malalaking movie entry rin ang makakalaban nila sa MMFF, pero malaki ang paniwala nila na may laban ang kanilang entry na pang-general patronage.
KUNG PAGBABASEHAN ang pahayag ng mga anak ni Mang Dolphy ay nasa maselang lagay pa rin ang Comedy King sa ospital.
Hindi basta puwedeng bisitahin ang Comedy King. At kahit nasa mabuting kundisyon na raw ang kanilang ama ay humihingi ng dasal ang mga ito para sa tuluyang paggaling at pagbuti ng kalagayan ni Mang Dolphy.
Dalangin namin, bumuti ang kalagayan ng nag-iisang Comedy King at sana hanggang buhay pa si Mang Dolphy ay igawad na sa kanya ang karangalan bilang National Artist.
‘Di ba mas maganda matanggap ang naturang karangalan hangga’t ikaw ay buhay kaysa igawad nang wala ka na sa mundong ibabaw.
Matagal nang dapat ibigay ang National Artist kay Mang Dolphy pero dahil sa may ilang humaharang daw ay nauudlot ito.
Sana maihabol ang nasabing karangalan sa Comedy King habang siya ay nakakakita pa at nakakalakad pa.
KINUMPIRMA NA ni Philip Salvador na tatakbo siyang vice governor ng Bulacan, kung saan makakalaban niya ang kapwa artista na si incumbent vice governor Daniel Fernando sa 2013 election.
Pero inamin ni Ipe na hindi naging madali ang naging desisyon niya lalo’t nagkaroon din ng offer sa kanya para naman tumakbong vice mayor sa Pasay City.
Kaya humingi muna siya ng mga payo sa mga malalapit niyang kaibigan at isa nga rito ay payo ng kaibigang si Cristy Fermin.
Wala pang partidong kinabibilangan si Ipe at hindi pa niya masabi kung sino ang kanyang magiging running mate sa pagka-governador.
Samantalang kahit nagulat ay inire-respeto naman ni incumbent vice governor Daniel Fernando ang naging desisyon ni Ipe na tumakbong vice governor ng Bulacan sa 2013 election.
Nasaktan si Vice Daniel dahil nire-respeto at iginagalang niya si Ipe bilang kapwa actor. Pero kung ‘yun daw talaga ang desisyon ni Ipe ay wala siyang magagawa.
Nasasaktan lang si Daniel dahil kapwa pa niya artista at kaibigang actor ang makakalaban niya sa Bulacan.
Anyway, every Tuesday ang people`s day ni Vice Governor Daniel sa Bulacan at tulad din siya ni Laguna Governor E.R. Ejercito na dinudumog ng kanyang constituent sa Bulacan para humingi ng tulong at pagkakakitaan or hanapbuhay.
Tulad ni Gov.E.R, sinisiguro rin ni Vice Gov. Daniel na lahat ng mga taong pumunta ay matutugunan niya ang kahilingan sa abot ng kanyang makakaya.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo