SAGLIT NA isinumpa ng LGBT si Manny Pacquiao kaugnay sa lumabas na artikulong ang bottomline ng nakasulat ay “Gays should be put to death!”
Saglit lang naman, dahil binawi rin ng sumulat ng artikulo na malinaw na nakasaad sa sinulat nitong hindi sinabi ni Manny Pacquiao ‘yon. Dinukot lang daw niya sa old testament ang isang bersikulo para patunayan ang sinabi ni Manny tungkol sa mga bakla.
Kawawa naman si Manny. Kahit kami’y aminadong nagngitngit pansamantala ke Pacman.
Sana, hindi na siya bitiwan ng Nike bilang endorser nito. Binawi na rin ng isang mall sa LA, ang The Grove, ang naunang pahayag na hindi na siya welcome sa kanilang mall.
Juice ko, dito mo talaga mapapatunayan kung gaano na karami ang aming lahi. ‘Pag talagang inapi, diniskrimineyt… talagang walang inuurungan. Lalaban at lalaban. Ang tatapang na ng LGBT sa mga panahong ito.
Saka ang alam namin, nu’ng kabataan ni Manny, ‘di ba, nagkaroon din siya ng something like… naku, ‘wag na nga. Baka idenay.
SINCE PUMASOK na si Vice Ganda sa bahay ni Kuya ay tsinika namin siya kung sino ang bet niya among the male housemates.
“’Day, parang ang sarap-sarap nitong si Yves. Mas guwapo siya sa personal. Epek din ‘yung Tom, pero ang nakakuha talaga ng atensiyon ko, itong si Yves. Juice ko, ‘teh, hindi na ‘ko choosy doon, ‘no!”
Eh, si Kit?
“Hindi ko bet, eh!” Meron pang sinabi si Vice tungkol ke Kit, but we opted not to mention it here. (Umi-Ingles ka diyan, Ogie Diaz, huh!)
Hindi talaga namin pinag-usapan ni Vice kung sino sa mga girls ang bet niya, dahil parang hindi namin kakayanin. Hahaha!
Pero siyempre, since hindi pa namin nakikita lahat ang housemates, at ayon lang sa napapanood namin, eh bet namin itong si Tom. Artistahin talaga ang batang ito, dahil sa flawless na kutis, magandang mukha at ang pinakaprominente sa bagets na ito ay ang kanyang panga.
Sana, si Tom ang magwagi!
SA 50TH birthday ni Tita Cory Vidanes naganap ang muli na-ming pagkikita ni Vice Ganda, dahil ‘yung huli ay nu’ng Jan. 1 pa. Mahigpit na yakap ang isinalubong namin sa isa’t isa at umaatikabong tsikahan ang naganap.
Kami naman ay natutuwa, dahil ang nabago lang ay hindi na kami ang manager niya, kungdi back to normal as friends pa rin, in fairness.
Natutuwa kami para sa aming sarili, dahil walang tampo, walang galit sa puso namin nu’ng niyakap namin si Vice. We wish him good luck ngayong ABS-CBN na ang namamahala ng kanyang career.
Saka timing din naman ang aming paghihiwalay, dahil nu’ng hiniritan namin si Tita Cory na ready na kaming magteleserye uli (after Mutya) ay agad-agad, binigyan niya kami ng teleserye. At ito nga ang Walang Hanggan na number one ngayon sa lahat ng primetime shows.
Marunong talaga ang Diyos, ‘no?
Basta tanggapin mo lang kung ano o sino ang nawala, umalis at hoping ka sa kung ano naman ang darating at ibibigay sa ‘yo, hindi ba?
Kaya ano pa nga ang masa-sabi namin, kungdi “thank you, Lord!”
Oh My G!
by Ogie Diaz