BIGAY-TODONG kasiyahan ang handog ng Kapamilya TV host, comedian, recording artist, box-office king na si Vice-Ganda, sa nalalapit niyang fourth major solo concert titled Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili Sa Araneta: Eh Di Wow!” under the production of Star Events and ABS-CBN Events, stage direction of Paul Basinilio, TV direction of Bobet Vidanes, and musical direction of Marvin Querido. It will be a celebration of his 15th anniversary in show business.
Nagsimulang mag-perform si Vice sa comedy bar bago ito sumikat. Nagbalik sa kanyang alaala noong time na nangangarap pa lang siyang maabot ang kanyang mga pangarap.
“Hindi ko inakala na mararating ko ang ganitong estado sa industriya. Sobrang saya ko at puno ng pasasalamat sa lahat ng madlang pipol na nakaa-appreciate ng pagsisikap at pagpupursige ko sa bawat proyektong ginagawa ko,” say ng magaling na comedian kaugnay ng upcoming concert niya na gaganapin sa Mayo 22.
Taos-puso ang pasasalamat ni Vice sa Panginoon dahil hanggang ngayon patuloy siyang sinusorpresa sa bawat magandang bagay na nagaganap sa career niya. Naniniwala siyang ito’y parehong blessing at challenge para sa kanya na pagbutihin pa ang trabaho. Sinabi rin ng box-office king na gugulatin niya ang audience dahil ang stage nila ay nasa center ng Big Dome with special at high-tech concert effects. Ang show ni Vice ay hindi lang basta SPG (strict parental guidance). Kaabang-abang din ang kanyang magiging special guests sa mismong gabi ng kanyang concert.
Sa totoo lang, ang last concert ni Vice sa Araneta Coliseum ang tinanghal na highest-earning concert staged by a local artist for 2013, ang I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta. His two previous hit concerts were The Unkabogable Concert (2011) at May Nag-Text… Yung Totoo: Vice- Ganda sa Araneta! (2010).
NAG-ENJOY KAMI sa panonood ng mga soap ng GMA-7, una ang Pare Koy ni Dingdong Dantes with Chanda Romero. Sinundan ng Once Upon A Kiss nina Manilyn Reynes, Nova Villa, at Tessie Tomas. Kahit ma-drama ang mga eksena ni Manilyn, may kaunting comedy kapag nagbatuhan na ng kani-kanilang dialogue sina Nova at Madam Tessie. Nang mag-inuman ang dalawa at nagkalasingan, lumabas ang katotohanan nang sabihin ni Madam Tessie kay Nova na may ibinigay palang mana sa kanila. Kahit seryoso ang eksena, lumalabas pa rin ang pagiging comedienne nila.
Umiinit naman ang bawat episode sa Second Chances nina Raymart Santiago, Camille Prats, and Jennylyn Mercado. Kapana-panabik ang mga eksena lalo na ‘yung moment ni Camille, ang pagmamalupit niya sa kanyang anak na lalaking matagal nang nawalay sa kanya. Hindi kasi nito makuha ang loob ng bata kaya’t madali siyang napa-praning.
Sa sobrang galit ni Camille, nand’yang isaksak niya sa bibig ng anak ang pancake na niluto nito. Nagpakita ng galing sa pag-arte ang actress. Naramdaman namin ang pagiging kontrabida ni Camille. Makatotohanan ang moment nilang mag-ama na ginagampanan ni Roi Vinzon. Mahinahong pinangangaralan nito ang anak habang walang tigil sa kaiiyak si Camille. Natural ang eksena, hindi OA ang kanilang pagganap.
As an actor, wala pa rin kupas si Roi kung aktingan din lang ang pag-uusapan. Mapa-bida, kontrabida, drama o pagiging action star, saludo kami sa galing at husay nito. Iba talaga kapag tatak Lino Brocka ang isang artista, nirerespeto at hinahangaan ng kapwa nila artista.
Matagal ring hindi gumawa ng pelikula si Roi, nag-concetrate muna ito sa negosyo. Kung hindi nga lang maganda ang TV project na inalok sa kanya ng Kapuso Network, ang My Husband’s Lover nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo, ayaw muna nitong mag-telebisyon. Kaso mo nga, nag-click ito sa publiko, sinubaybayan ng madlang pipol at nilampaso nito sa rating ang mga kasabay na serye.
Tulad nitong Second Chances, kakaiba ang takbo ng istorya kaya’t patuloy na sinusubaybayan ng viewing public. Hindi rin pahuhuli sa galing umarte ni Jennylyn, maging si Raymart sakto lang ang mga dramatic scene nito with Camille at Jenny, kahit nakilala ito as an action star. May ibubuga rin sa drama ang dating action star.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield