BLIND ITEM: MISMONG ang nurse-friend ko ang nagkuwento tungkol sa pagiging maangas ng isa sa apat na anak ng isang tanyag na lalaking personalidad, nang ma-confine ito kamakailan sa isang ospital somewhere in Sta. Rosa, Laguna.
Siya kasi ang attending nurse ng bagets, na mahigpit nitong bilin ay dapat laging naka-lock ang kanyang kuwarto. Ayaw niya ka-sing labas-masok ang sanrekwang hospital staff, tanging ang aking nurse-friend lang ang gusto niyang nakatutok sa kanya.
“Siyempre, hindi naman 24 hours akong naka-duty, hindi lang naman ako ang nurse na naka-assign sa kanya. Kaya tuloy ‘yung head nurse namin, ‘yung sked na ibinigay sa akin, eh, kung kelan na lang gising ‘yung pasyente,” paliwanag ng aking source.
All throughout the bagets’ confinement ay minsan lang daw siyang dinalaw ng kanyang mga magulang who had to watch over him for only a good 30-minute stay. “Siyempre, dahil sikat ‘yung tatay, talagang pinagkaguluhan siya sa buong ospital. Hayun, dahil sa dami ng mga nagsisiksikang tao, nagkandabasag-basag ‘yung salamin sa ospital. In fairness, binayaran naman ni (sikat na male personality),” kuwento ng nars.
Da who ang tatay ng supladitong bagets? Isa siyang A.) artista; B.) atleta; C.) pulitiko; D.) all of the above.
KUMBAGA SA ISANG mag-aaral ay naipasa ni Vice Ganda ang unang baitang sa paaralan ng “panggabing” pagbibigay-aliw sa pamamagitan ng kanyang lingguhang Gandang Gabi, Vice on ABS-CBN.
Originally, it was an experiment-al program, one that would run for a season or equivalent to 13 episodes. Testing the waters, ‘ika nga, since sa pagkakataong ito, GGV is a total departure from Vice Ganda’s daily Showtime where he does not take full credit for its success.
Consistently, kinabog ng karapat-dapat naman pala talagang bansagang The Unkabogable Star ang kapanabayan nitong programa, ratings-wise. Supposedly overwhelmed, inihagel pala ng bakla na magbabu na sa ere ang show — let there be no extension to it — sa paniniwalang mas magi-ging graceful nga naman ang exit nito at its peak without having to wait for its ratings to plummet.
Pero sa isang banda, mismong si Vice Ganda na rin ang nagsabing bitin siya, given the one season, hence, GGV is still here to stay, at least for the next 13 weeks. Walang inilayo ‘yon sa isang naluklok na lider who’s mandated to serve his first term, there are still too many tasks to be done, kung paanong sa kaso ni Vice Ganda, there’s still so much good laugh that he can share with his audience.
With his network affiliation of “global” proportions (via TFC), nagpapaka-consistent din lang si Vice Ganda via the la-test offer from Globe prepaid — ang SUPERUNLIALLTXT25— of which he is among its effective endorsers.
KINAILANGANG IMBITAHAN NG Face To Face in its Friday episode today ang consultant ng Department of Health, si Dr. Liza Ong. Hygiene-related kasi ang paksang umiikot sa Kinakasamang May Putok, Hindi Masipingan Kaya Naghihimutok! Kuwento ito ni Stephen na ayaw sipingan ng live-in partner nitong si Elvie dahil bukod sa may bad breath na ay may anghit pa.
Huwag palampasin ang “mabahong” edisyon ngayon ng FTF with the Trio Tagapayo composed of Atty. Ben Acosta Jr., Fr. Sonny Merida and Dr. Margie Holmes.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III