UMABOT KAYA ng P420 million ang kinita ng The Amazing Praybeyt Benjanim na pinagbihan ni Vice Ganda?
Nu’ng isang araw kasi ay P415 million pa lamang. At ayon sa bida na si Vice ay ililibre niya ang ang mga kasamang host sa It’s Showtime oras na umabot ito sa wish ni Vice.
Ibang klase talaga ang lakas ng movie kung ikukumpara sa lahat ng movies na kalahok sa MMFF.
So, sa madaling salita, winner na winner na nga ang produ.
Ang tanong, magkano ang bonus ni Vice?
At siya na rin ang tatanghaling consistent box-office star.
May aangal pa ba?
NAAAWA KAMI sa aming kaibigan na si Ali Forbes kumbakit hindi siya nakuha para maging official candidates ng Bb. Pilipinas 2015. Kung karapatan lang naman ang pag-uusapan ay qualified naman itong si Ali.
Sa mga ‘di pa nakakaalam ay nanalong Bb. Pilipinas first runner-up noong 2012 si Ali. At after a year, nanalo na siyang third runner-up sa Miss Grand International 2013 na ginawa sa Bangkok.
Ano ba ang nangyari talaga? Pulitika nga ba o pinersonal si Ali?
Ang nakapagtataka, halos lahat ng mga repeater ay nakuha naman para maging official candidates. Tanging si Ali ang ‘di napili. Kakalokah, ‘di ba?
Sana bago pa lang nagpa-screen itong si Ali ay sinabihan nang hindi na siya puwede dahil nga nag-host na siya ng isang reality show sa GMA News TV na Pinay Beauty Queen Academy.
Pero wala namang nagsabi sa kanya. Kaya nagpa-screen pa rin siya. Kaso ito ang napala ni Ali. Naligwak siya.
Mas gugustuhin ko pang sabihin nila na over qualified si Ali kaya ‘di nila ito tinanggap na maging official candidate.
Gusto naming marinig ang dahilan. Kumbakit?
Sana masagot nila ito ng Bb. Pilipinas. Sa lahat ng bumubuo at mga screeners.
Ano’ng nangyari? Ano ito, powerplay?
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!