TAHASANG SINABI ni Vice Ganda sa grand presscon ng The Amazing Praybeyt Benjamin, na entry movie sa darating na Metro Manila Film Festival, na hindi siya natatakot sa mga katapat na pelikulang entry rin sa MMFF.
Wala raw siya nadaramang kaba sa mga pelikula nina Vic Sotto at Kris Aquino.
“Sa ngayon, sa totoo lang ay wala akong kaba or takot na nadarama sa mga pelikulang entry rin sa MMFF. Lagi ko namang sinasabi noon at hanggang ngayon na number one ang pelikula ko,” say ni Vice.
Inamin ni Vice na totoo raw nakialam si Kris sa mga lines na dapat daw sasabihin ni Bimby Aquino Yap sa kanilang pelikula. Bukod kasi kina Richard Yap, Alex Gonzaga, Tom Rodriquez, atbp. na idinirek ni Wenn Deramas, kasama rin sa movie ang bunsong anak ni Kris.
“May dialogue kasi si Bimby na Chinese dapat. May katabing instructor na Chinese si Bimby para magturo ng tamang pagbigkas. Pero dahil mahaba at medyo mahirap para kay Bimby ang lines ay pinabago ni Kris para gawing maigsi at para hindi mahirapan ang anak niya.
“Ending ay nag-suggest si Kris na gawing Tagalog na lang ang mga dialogue ni Bimby dahil mahirap daw kasi at baka hindi magawang tama ng anak ang mga linya nito sa movie,” nakangiting pahayag ni Vice.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo