SO, PARANG BITIN pa pala kung sino talaga ang papalit kay Ruffa Gutierrez sa The Buzz. Although, nagkaroon na ng tipong welcome kay Vice Ganda for his birthday sa nabanggit na showbiz talk show, may echos-echos na hindi pa raw talaga ang komedyante ‘yung papalit kay Ruffa rito, na gusto na raw nina Kris Aquino at Boy Abunda si Vice kahit nga raw i-share na nila ang part ng talent fees nila para lang maidagdag na si Vice sa show.
Ganoon katindi ang tiwala nila kay Vice, dahil nga rin sa isang show na talagang binuhay ng presence doon ng dati lamang comedy bar host, ang Showtime na bumongga talaga sa TV at hindi maitatangging dahil ‘yun sa husay sa pagho-host at pagiging hurado ni Vice Ganda.
Palagay namin, tine-test pa ng ABS-CBN kung okey na rin lang na sina Kuya Boy at Kris ang tanging main hosts ng The Buzz. Baka nga hindi na kailangan ng pamalit kay Ruffa. Tingnan na lang natin kapag umarangkada na ang Paparazzi ng TV 5 na magtatampok kina Cristy Fermin, Ruffa, at iba pa. Tiyak na maiiba ang ihip ng hangin kapag naging three-cornered fight na ang mga showbiz talk show tuwing Linggo, although ang alam namin, lihis sa nakaugaliang time slot ang sa Paparazzi sa magkasabay na The Buzz ng Dos at ng Showbiz Central ng Siyete.
As it is, hard-hitting ang magiging dating ng Paparazzi dahil wala raw itong sacred cows na pinoprotektahan, unlike Dos and Siyete na may kanya-kanyang interests at mga talents na iniiwas sa mga eskandalo.
Well, abangan na lang natin.
MUKHANG UNTI-UNTI NANG nagpapabongga ang TV 5. Napanood namin noong Linggo ang balitaktakan sa Face to Face kung saan host si Amy Perez. Nakakaloka pala ang show na ito na parang canned TV program na Jerry Springer na bangayan nang bangayan. Awayang walang humpay, but at the end of the day, nagkakaroon ng redemption at reconciliation.
Ewan lang kung gaano ka-scripted ang programang ito, pero mukhang mahirap itong iskripan. Hindi naman professional actors and actresses ang nagge-guest dito kundi mga common tao na may common dispute. Mahusay ring mag-host si Amy, na kung minsan, nadadala ng kanyang emosyon na para sa amin, click sa mga manonood, at nakaka-relate ang mga ito sa kadramahan at kung anumang kacheapan ng mga participant dito.
Kung gusto nga ng TV 5 na mapaiba, palagay namin, unti-unti nilang maa-achieve ito. Nagiging magandang alternatibo sila at ‘yun ang maganda roon. ‘Yung hinahanap na katinuan sa TV ngayon ay naibabalanse ng Singko, at ngayon pa lang, dapat nang mag-umpisang kabahan din ang dalawang naglalakihang networks, ang Siyete at Dos.
Calm Ever
Archie de Calma