TAMA LANG marahil ang sagot ni Vice Ganda na hindi ang AlDub ang kakumpitensiya niya.
Una na’y komedyante-host siya. Hindi siya pa-tweetums at iba ang market ng isang VG. Pangalawa, solo artist siya at hindi naman love team or may ka-love team siya na p’wedeng makipagsabayan kina Alden Richards at Maine Mendoza.
Kaya nga no comparison at tama naman at logical. ‘Yun nga lang, dahil sa network wars at sa bangayan ng Eat… Bulaga! at It’s Showtime, hindi maiiwasan na siya ang puntirya ng mga nang-iintirga lalo pa’t isa siya sa mga major hosts ng pang-tanghaling show.
Sa ganang akin, malayo na ang narating ng isang Vice Ganda kung ikukumpara mo siya kina Alden at Maine. Sa katunayan, si Vice, nandun na. Ime-maintain na lang kung anong meron siya at kung anong estado niya sa showbiz ngayon. Kung gustong pagsabungin ng mga bashers at nang-iintriga si Vice, dapat si Allan K ang direkta na competitor ni VG kung EB at Showtime shows ang pagbabasehan.
Huwag nang ipilit na ikinabagsak ni Vice ang AlDub. Forget AlDub. May sarili silang tinatahak na malayo sa pinu-puntirya ni Vice sa kanyang career. Milya-milya pa ang tatakbuhin ng dalawa. Milyones pa ang pagbabanatan ng buto nina Alden at Maine para mahigitan ang kinita at kinikita ng “Bekilou ng Bayan” kung ito man ang pinupuntirya ng mga nang-iintriga at bashers.
Actually, nakakatakot ang Aldub kung matatapos na ang akting-aktingan nina Alden at Maine sa Aldub characters nila. Don’t tell me na ngingiwi-ngiwi pa rin si Maine na pakiwari ko’y “epileptic beauty” kahit out of her Yaya Dub character na siya at magpapa-bebe wave pa rin si Alden sa ibang mga projects niya?
Sa showbiz, ang nagtatagal ay ang talent at hindi ang karakter na mapapangiti ka saglit na masusundan ng pangalawa and it gets boring kung paulit-ulit na lang at iisa ang tema.
Reyted K
By RK VillaCorta