Vice Ganda, dream na maging first gay action star

Vice-GandaIF STAR Cinema’s Girl, Boy, Bakla, Tomboy grossed P436M—according to its director Wenn Deramas—in last year’s Metro Manila Film Festival, ang bida nitong si Vice Ganda who reprises his role as Private Benjamin Santos in The Amazing Praybeyt Benjamin, this early, is looking forward to a P600M box-office take.

Kasaysayan sa kanyang mga pelikula with Direk Wenn since 2011 ang basehan ng tinaguriang Unkabogable Star, when God—sa pamamagitan ng kanyang taimtim na dasal—had granted his wish that his movies make a killing at the tills.

This explains kung bakit walang katensiyon-tensiyon si Vice kesehodang his entry this year is up against other festival movies.

“Siguro, sa ngayon, wala pa. Nenerbiyusin na lang siguro ako sa first week. But judging from the past festivals, during the first and second weeks of showing, nangunguna ‘yung mahigpit kong kalaban. But during the entire run, kami pa rin ang top-grosser,” sey ni Vice.

Vice’s wishful thinking does not end there. Pantasya ng hitad, “Dream kong maging first gay action star,” as the movie strikes an equal balance between comedy and hardcore action most specially sa mga eksena nila ng kanyang nemesis sa kuwento na si Tom Rodriguez.

“Pero may libog ako sa mga fight scenes namin,” sey ng Unkabogable, Libogable Star.

PRESSCONS ARE what bind me and an AdProm staff of a major film company. Touched ang inyong lingkod sa kanyang tiwala sa amin ng magaling na conversationalist na ito, even sharing with us the deepest secrets behind two “bugawan” fronts in showbiz masquerading as legit talent management agencies.

Nakapukaw kasi ng kanyang atensiyon ang aming December 3 blind item dito sa Pinoy Parazzi involving a hunk model-actor na itinago namin sa alyas na Ignacio Fabregas.

As a refresher, our subject’s tardiness on the set led to the discovery na kaya pala naatraso ito sa trabaho ay dahil nanggaling siya mula sa bilihan ng mga sasakyan, taliwas sa kanyang alibi that the taxi he rode took a labyrinthine road on his way to his appointed workplace.

Sumusumpa ang aming trusting and trusted source na kilala nga sa “pamamakla” ang modelong ‘yon, who’s being managed by an agency engaged in booking its male talents sa mga parokyanong bakla at a minimum fee of P10,000 for some quick sex.

ESPESYAL ANG episode this Sunday ng Ismol Family as this is a much-awaited edition. Binyag kasi ng triplets na anak nina Jingo at Majay, kung saan abala ang lahat sa paghahanda para rito.

It’s a doublé celebration for everyone as the family enjoys the festive Yuletide mood as it welcomes the three bundles of joy into their lives.

Kaya huwag palampasin ang mala-fiesta na kainan, mga parlor games na kagigiliwan ng lahatat mga bisitang bibida rin sa dobleng pagtitipon.

But while the viewers think that everything is running smoothy, may hindi magandang mangyayari. Mawawala kasi ang perang pambayad nlna Jingo sa coordinator ng binyag.

Maiisip tuloy ni Jingo kung gaano siya kamalas. Ano ngayon ang mangyayari sa binyagan? Nganga ba? Paano na ang mga daang-daang bisita? Matutuloy pa kaya ang binyagan?

Isang dagok na naman ito para kay Jingo. O, may sorpresang naghihintay sa Pamilya Ismol? Totoo kayang may Santa Claus?!

Abangan ang Ismol Family ngayong Linggo, 6:45 ng gabi.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleNiño Muhlach, ayaw matawag na stage father
Next articleRobin Padilla at Dennis Padiila, nagkabulgaran

No posts to display