DESERVING SI Vice Ganda na regaluhan niya ang sarili niya ng mamahaling sports car ngayong Pasko. 0Kaliwa’t kanan naman kasi ang effort niya na kumita para sa kanyang pamilya.
This Christmas after ng promotion ng MMFF entry niyang Gil, Boy, Bakla, Tomboy ay magbabakasyon siya. Bukod kasi sa daily show niyang It’s Showtime at kaliwa’t kanang schedule para matapos ang four character comedy film niya under Wenn Deramas, ang dami niyang mga sideline at karaketan na lingid sa ating kaalaman.
She deserves a fabulous vacation.
Balita namin, makakasama niya sa grandiyosang bakasyon niya ang latest apple of his eye na isang hardcourt idol ng mga kababaihan at mga beki.
Kung sino siya, sa unang isyu ng Pinoy Parazzi sa 2014 ay ikukuwento namin.
Merry Christmas and Happy New Year!
TULAD KO na mahilig sa horror movies, nakami-miss ang Shake, Rattle and Roll series ni Mother Lily Monteverde ngayon pa na walang entry na SRR for the MMFF this year.
Nakasanayan ko rin kasi at ng publiko (lalo na ang mga teenagers) na tuwing Kapaskuhan, kasama sa mga nakolektang Christmas gifts (uso na ang sobreng may lamang two hundred pesos kaysa sumakit ang ulo mo sa pagki-Christmas shopping) na manood ka ng SRR.
Noon pa man, may gulat factor ang mga pelikula ng Regal matriarch tuwing Pasko. Kaya nga kasama palagi ang pelikulang kakatakuhan ni Mother Lily sa mga pinipilahan ng publiko.
Pero kahit wala man ang kanyang SRR series this Christmas, nakipag-co-produce naman ang Regal Films niya sa Star Cinema sa isang bagong horror genre ang pelikulang Pagpag (Siyam na Buhay), kung saan ang pinakamainit at pinakasikat na teen idols ng makabagong panahon, sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang siyang mga bida.
Sa trailer noong una kong napanood, tatlong beses akong nagulat. Tipong may promise ang pelikula ni Frasco Santos Mortiz as director na panganay na anak ni Edgar “Bobot” Mortiz.
Kuwento nga niya, sa dami ng mga paniniwalang Pinoy tungkol sa mga pamahiin natin tuwing may patay o mayroon tayong lamay na pinupuntahan, mahirap isiksik ang iba’t ibang mga kuwento based sa mga paniniwala natin at nakaugalian.
I’m sure, dahil ang Pinoy, nasanay na sa tuwing MMFF ay nanonood ng horror movies, pila-balde na naman ang tao sa takilya nito.
Reyted K
By RK VillaCorta