NAKAKATUWA ANG ABS-CBN. Muntik na kaming maiyak, pero hindi na namin pinatulo pa habang pinanonood namin ang pasasalamat ng management sa bumubuo ng Mutya sa appreciation moment together with all the bosses.
Du’n namin na-feel na hindi lang basta natapos ang 14 weeks sa telebisyon ng Mutya, dahil nandu’n sina Tita Cory Vidanes, Tita Linggit Tan, Sir Deo Endrinal, Ms. Julie Ann Benitez at iba pang bossing para magpasalamat sa buong cast at staff.
Binigyan din kami ng plake kung saan nandu’n sa frame ang mukha namin kasama ang iba pang cast.
Gusto naming maiyak, hindi dahil tapos na ang makasaysayang Mutya, kundi sa pagpapahalaga ng mga bossing ng network sa kanilang mga talents.
ILANG TAON NA rin naman kami sa ABS-CBN. “Nagsimula kami sa Palibhasa Lalake bilang si Pekto; sa Abangan Ang Susunod Na Kabanata bilang si Elvis Sobrepena.
At ayun, nagkasunud-sunod na ang a-ming show mula Showbiz Lingo at Cristy Perminute at Showbiz No. 1, ETK at ito ngang E-Live!.
At ang makasaysayang morning show for 7 years, ang Magandang Umaga, Bayan na naging Magandang Umaga, Pilipinas hanggang sa naging Umagang Kay Ganda!
Na-realize namin na ilang teleserye rin pala ang aming sinalihan. Nandiyan ang Bituin ni Carol Banawa at Nora Aunor; May Bukas Pa, Momay at ‘eto ngang Mutya.
Pinaikli na lang namin ‘to, pero sa totoo lang, sobrang thankful din kami sa ABS-CBN sa pagtitiwala sa aming munting kapasidad na makapagpasaya ng Kapamilya.
Alam naming pinagtrabahuhan din naman namin ang pinagpaguran namin sa ABS-CBN. Pero laging nakasaksak sa utak namin na mabubuhay ang ABS-CBN nang wala kami.
Kaya hindi para kami’y magmalaki or magmaldita.
Basta grateful kami sa ABS-CBN, dahil hindi naman kami tatagal ng 19 years kung hindi namin mahal ang ABS-CBN, ‘di ba?
NAKAKALOKAH, HUMIHINGI NG schedule sa amin si Vice Ganda, dahil gusto niyang mag-aral ng pole dan-cing. “Nainggit ako kay Angel Locsin sa ‘In The Name Of Love’, eh.
“Feeling ko, kaya ko ‘yong ginawa niya du’n. Gusto kong gawin sa concert ko sa Araneta. Kasi, natandaan ko nu’ng nasa Channel 7 pa si Angel at nag-guest siya sa Extra Challenge.
“Ayaw niyang isayaw ‘yung sayaw ng SexBomb. Tapos, du’n sa ‘In The Name Of Love,’ sanay na sanay na ang potah sa pole dancing. Kaya feeling ko, kaya ko ‘yon!”
‘Eto nga, hiniling din ni Vice na bawasan nang ilang araw ang shooting days niya ng bagong movie na ginagawa niya under Viva Films, ang “Private Benjamin” this June.
“Para makapag-focus ako sa concert. Malapit na. Ilusyon kong kabugin ng July 1 concert ko ang concert ko last year sa Araneta.
“At sana, magkatotoo ang ilusyon ko, hahaha!”
Why not?
Sa mga wala pang tickets, para makakuha kayo ng good seats, tawag na sa 911-5555.
Follow n’yo naman po kami sa a-ming Twitter (@ogiediaz) at sa aming blogspot at www.ogiediaz.blogspot.com at pa-like naman ng aming fanpage sa FB ang “The Ogie Diaz.” Salamat po!
Oh My G!
by Ogie Diaz