Vice Ganda haharap sa malaking challenge sa GANDEMIC digital concert

Leo Bukas
AYON kay Vice Ganda mas malaki ang epekto sa kanya financially ang nararanasang pandemya dahil sa covid-19 kesa sa  pagsasara ng ABS-CBN isang taon na ang nakararaan.
“Yung sa franchise (non renewal), wala namang effect financially,” pagtatapat ni Vice sa virtual interview namin sa kanya sa mediacon ng first ever digital concert niya na pinamagatang GANDEMIC: Vice Ganda The VG-Tal  Concert.
VICE GANDA

“Kasi may programa pa rin naman ako. Araw-araw kumikita pa din naman ako. In fact may bago na naman nga akong programa, dalawa na naman yung magiging programa ko.

“So, hindi siya naka-affect sa akin financially in a negative way kasi kumikita pa din naman ako. Ang naka-affect sa akin nang malala financially hindi yung kawalan ng franchise kundi yung pandemic mismo. Kasi hindi nga ako makapag-concert tour, eh, ang laki ng binibigay sa akin ng concert tour.

“Tapos yung raket sa labas, yung mga fiesta-fiesta na ini-enjoy ko. Yung mga corporate shows, pelikula, yon ang mga nawala sa akin, so malaki-laki din yon.”

Masuwerte na rin daw siya na kahit isang taon na ang pandemya ay hindi pa rin siya naghihirap.

Ani Vice, “Hindi pa rin naman ako naghihirap  dahil napakabait ng Diyos kasi binigyan niya ako ng maraming-maraming pagkakataon in the past para kumita at makapag-ipon. Kaya ngayong nasa ganito akong sitwasyon hindi ako salat na salat.

“Actually, may kakayahan pa rin akong mag-provide for myself, for the people I love at makapag-extend ng help sa mga taong pinipili mong tulungan. Nabawasan lang yung kita dahil nawalan ng raket pero maayos pa rin naman ang kalagayan ko financially.”

Sa kabila ng mga pangit na nangyayari at sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa ay may nakikita pa rin naman daw siyang kagandahan dito.

“Sa kapangitan ng nangyayari sa atin ang kagandahan do’n maaari tayong makapag-develop ng wisdom. Maaari tayong makapag-develop ng strength from that weakness kasi everywhere around you, you can see a lot of weaknesses – weaknesses from people, weaknesses from circumstances.

“Pero from that experience, strength can grow, strength can be developed, di ba, yon yung beauty no’n. From every bad experience magiging beautiful siya kung magkakaroon ng magandang learning and if that bad experience can bring strength within you, yon yung magiging beauty no’n.

“Tapos isa pa, ang beautiful  sa mga pangit na nangyayari ngayon nalalaman mo kung ano talaga yung may mga totoong value, kung ano yung may eternal value. Kasi minsan, di ba pag walang masakit na nangyayari parang tine-take for granted lang natin yung ibang valuable things, eh. Pero pag nagkaroon ka ng threat na baka mawala sayo yung mga bagay at mga taong ito don mo malalaman na, ‘Ay, ang valuable pala nito,’” katwiran ng It’s Showtime host.

Samantala, malaking challenge para kay Vice ang gumawa ng isang digital concert na mapapanood sa KTX.Ph sa July 17, 2021 dahil wala siyang live audience dito.

“Mahirap talaga siya, sobra siyang mahirap,” bulalas ni Vice. “Buti na nga lang, bago tayo magko-concert sa July, eh, nae-experience ko na siya sa Showtime. So napa-practice ko na siya sa Showtime na nagpapatawa ka, na dumadakdak ka na wala kang audience.”

Malaking tulong din daw ang pagba-vlog niya para masanay magpatawa kahit walang live audience.

“Ganun din naman yung vlogging – wala kang audience pero gumagawa ka mga content na nakakatawa tapos makikita mo na lang sa comment section  kung gaano sila kasaya, kung gaano sila tawang-tawa,” lahad pa niya.

“Actually, nasasanay na nga din ako, sanay na rin ako ng walang audience dahil nagba-vlog ako tapos may Showtime. So, from my training sa comedy bar at sa live concert scene na may audience na marami biglang naging ganito na, so the only way is just adapt, di ba? Adapt lang tayo nang adapt,” huling pahayag ni Vice Ganda.
Previous article‘The Bash’ online show ni Jobert Sucaldito higit pa sa latest showbiz news and issues ang laman
Next articleAra Mina sobrang blessed na kaya wala nang mahihiling pa sa kanyang birthday

No posts to display