Vice Ganda, hinahanapan na ng matinding katapat?!

MUKHANG MAUUSO ‘ATA ang pag-ariba at pag-bongga ng mga komedyanteng nagmumula sa mga sing-along o comedy bars nang sabay-sabay!

Noon kasi, paisa-isa. Pauna-una. Pero ngayon, mukhang pagtatapatan ang magaganap sa pag-ariba ni Vice Ganda, na alaga ng aming katotong Ogie Diaz, hindi lang sa telebisyon kundi maging sa pelikula rin.

Si Vice ang napisil na muling magsa-pelikula sa Petrang Kabayo na pinagbidahan noon ni Roderick Paulate – na tumabo sa takilya, in fairness!

Sinusubaybayan pa si Vice sa TFC dahil sa Showtime, at hindi nito iniiwan ang pagiging host niya ng Laffline at Punchline.

Dahil sa magandang pagkakataon ngayong dumating sa career ni Vice, nakarating sa amin ang balitang may ilang mga managers na ang on the look-out sa mga matitindi ring hosts sa sari-saring comedy bars o sing-along bars in the metropolis.

How true na ito ngayon ang ginagawa ng aking Tita Becky Aguila na dumalaw na sa isa sa mga paborito niyang comedy bars sa bandang Malate? At mukhang dito eh, may nakursunadahan siyang isang mahusay na host na diumano’y interesado siyang i-manage? Ito ba ang magiging kapalit ni Angel Locsin sa poder niya?

May hint na kami kung sino ang nasabing host. Kung tinatawag na ‘kabayo’ si Vice Ganda, eh, saksakan at buntalan ng mas kabayo ang hitsura ng kilala naming host, na meron din namang ibubuga sa larangan ng pagpapatawan.

[ad#ad-text-links-1]

INIP NA INIP na raw ang mga taga-subaybay ng Agua Bendita sa paglabas ng ilulunsad na anak ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose, na si Andi Eigenmann. Pero bakit nakasentro pa raw sa mga batang gumaganap sa dalawang katauhan ang istorya nito? May nagkakalat na nga na nagagalit na diumano si Jaclyn at tila gusto ng i-pull out si Andi sa nasabing proyekto.

Hindi naman sana ito true. Eh, sayang naman kung maudlot pa ang nasabing proyekto. Nag-e-enjoy lang daw siguro ang mga nanonood sa dalawang bata sa Agua Bendita!

ANG KATAPAT NGAYON ng Agua Bendita ay ang Panday Kids na istorya ni Carlo J. Caparas. Na tatlong bagets din ang mga bida-sina Sabrina Man, Robert ‘Buboy’ Villar at si Julian Trono.

Nakalabas na a long time ago sa MMK (Maalaala Mo Kaya) si Julian. Mas na-focus ito kasi sa pagsasayaw at dito siya na-diskubre ni Joy Cancio ng Focus E, Inc. At isinalang siya sa tatlong season ng Daisy Siete.

Sinubok lang ni Julian na mag-audition para sa role ni Hadji sa Panday Kids. At sa may 800 daang mga batang ang karamihan ay pawang nagsisipag-artista na, si Julian ang naging mapalad.

Sabi nga, ‘when it rains, it pours!’ Hahabulin ‘ata ni Julian si Buboy sa mga proyekto’ng dumarating sa kanya. Dahil co-host na siya ni Gelli de Belen sa Zooperstars eh, host din siya sa Tropang Potchie.

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous article‘Di takot kay Jinkee Pacquiao: Krista Ranillo, manonood sa laban ni Manny?
Next articleSino sa Starstruck 5 graduates ang tatagal sa showbiz?

No posts to display