NATATAWA KAMI SA ilang tweets sa amin. Na-hack kasi ang twitter account ni Vice Ganda, kaya for a time, hindi siya nakapag-tweet dahil siya mismong may-ari, hindi alam ang password.
So, since na-hack, nalungkot na ang mga followers niya (sa @vicegandako). Hanggang sa heto na nga, kinarir na ni Vice ang Yahoo! Philippines. Kasi nga, pati personal e-mail address niya at facebook account, na-hack na rin.
Hiningi niya ang tulong ng Yahoo, kaya very thankful si Vice. Ayan, na-recover mula sa gagong hacker ang lahat ng kanyang account.
Meron pa ngang nag-suggest, ba’t daw hindi kami humingi ng tulong kay Heart Evangelista? Na-hack din daw ang account nito (‘eto ‘yung tinira nang husto si Marian Rivera) at after 2 hours, na-recover din nito mula sa hacker ang account.
Hahahaha! Gagah talaga ‘tong ibang followers. Kung mag-suggest, parang me ibig sabihin. Meron pa ngang nag-tweet ng, “At least, ‘yung ke Vice Ganda, totoong na-hack!”
NASABI NA RIN na-ming lahat ang gusto naming sabihin kay DJ Mo Twister nang walang pag-iimbento, tama na ‘yon. ‘Yung mga kine-claim niya ngayong mga ginawa raw namin sa kanya nu’ng araw, eh, since siya naman ang nakaimbento, siya na lang ang magpaliwanag.
Una, binantaan daw namin ang buhay niya. Na kahit si Ate Cristy Fermin na co-host pa mandin niya sa Juicy, sinabihan siyang, “Hindi capable si Ogie na gawin ‘yon,” heto’t ‘yun pa rin ang isyu niya sa amin.
‘Yung noon pa raw namin tinitira ang anak niya, ‘eto lang ang sasabihin namin kay Mo, “Kung tinira ko ‘yung anak mo, maglabas ka ng ebidensiya at ‘pag napatunayan kong oo nga at meron akong tira sa anak mo, magso-sorry ako in public.”
Napaka-remote sa katotohanan ng mga imbento ni Mr. Scientist. Una, ba’t namin siya babantaan? Eh, nu’ng hinarap namin siya, nag-sorry pa siya at tinanggap namin, ba’t naman kami magbabanta? Meron na ba kaming ibang binantaan na p’wedeng segundahan itong si Mo?
Ano kaya ang tinira ng taong ito at ang bilis mag-imbento?
Saka ba’t naman namin titirahin ang anak ni Mo? Baket, Mo? Masama bang sabihan ka nu’ng nag-split kayo ni Rhian Ramos na, “Ba’t magpapakasira ka sa isang babae? Puntahan mo, yakapin mo ang anak mo, dahil ‘yon ang isang babaeng totoong magmamahal sa ‘yo!”
‘Eto ‘yung sinasabi mong “i-dinamay niya ang anak ko, kaya idinamay ko rin ‘yung person close to him!”
So, ano’ng ginawa mo? Nag-tweet ka na parang wini-wish mo ang kamatayan ng nanay ko, dahil idinamay ko ang anak mo?
Hindi ka naman siguro nagdodroga para mag-wish ng kamatayan ng ibang tao, ‘di ba? Na kahit ang sarili mong ina ang pagkuwentuhan mo ng tweet mong ‘yan eh, baka batukan ka, dahil binastos mo ang kapwa niya ina.
Eh, endorser ka pa naman ng TGIFriday’s Resto at Smart, ba’t kailangang ganu’nin mo ang isang ina? Bitbit mo ang magandang pangalan ng mga produktong ine-endorse mo, sa palagay mo, nakakatulong ang statement mong ‘yan tungkol sa isang ina?
Sana, mas tulungan pa niyang iangat ang Smart at ang TGIFriday’s. Kaya nga siya kinuhang endorser, ‘di ba?
SA NGAYON, TAPOS na ang argumento namin. ‘Yung mga iniimbentong kuwento na lang ni DJ Mo Twister ang kanyang ipaliwanag, tutal, siya naman ang nakaimbento.
In short, suko na kami, dahil hindi namin kayang lumaban ng “imbensiyon,” dahil hindi naman kami “scientist.” Expertise niya ‘yan, kaya ang burden of proof ay nasa kanya.
Basta kami, definitely, i-pagdarasal namin ang paghaba ng buhay ng parents niya at ng anak niya, dahil ‘yun ang tama.
Marami ang nagpapayo sa aming, “Hayaan mo na siya. Hindi talaga nakikinig ‘yon. At hindi talaga siya titigil hangga’t hindi siya nakakaganti sa ‘yo.”
Okay. Ingat lang ang parents ni Rhian Ramos na makaaway ito. Hindi malayong i-wish din ni DJ Mo na mamatay sila ‘pag nag-away sila.
Oh My G!
by Ogie Diaz