IKAW na Vice Ganda! Tama na tawagin ka pa ring “Unkabogable Box-Office Superstar” dahil ratsada sa TV ratings ang “Gandang Gabi Vice” episode mo last Sunday (April 9).
Akala ng marami, kakabugin ka ni Kris Aquino sa pagbabalik-telebisyon niya via her one night only TV special na ipinalabas sa GMA Kapuso Network na “Trip ni Kris” na napanood ng sambayanan after ng magazine show ni Jessica Soho noong Linggo.
Waging-wagi pa rin sa Araw ng Kagitingan at Linggo ng Palaspas ang komedyante pagdating sa rating.
Based sa ratings game last Sunday vs. “Trip ni Kris” show ni Tetay ay winner ka, ‘teh, at ang layo ng agwat ng dalawang show ninyo sa isa’t isa.
Sa mga IG, Facebook, & Twitter followers ko, please find below results from Kantar Media at AGB Nielsen:
Ang resulta ng Kantar Media noong April 9, Sunday, GGV (Gandang Gabi Vice) Vs. S
NBO (Trip ni Kris): National 19.3% v 4.7%, Urban 17.1% v 6.1%, Rural 9.1% v 3.1%, Mega 18.9% v 8.4%, Metro 22.7% v 7.6%
Ang AGB Nielsen naman sa kanilang resulta sa GGV vs. Trip ni Kris ay 4.2% vs. 3.7%.
Good news to last Monday. Magandang pa-birthday gift na rin ito sa iyo last Saturday, kung saan you turned 41 years old na rumaratsada pa rin with your ingenuity at pagpa-package sa sarili.
Congrats! Ikaw na nga talaga at wala nang iba pa!