ANG ganda ng spot number nina Vice Ganda at Michael Pangilinan in last Saturday night’s show ni Khiel na ginanap sa Music Museum.
Bigay na bigay ang dalawa sa song number nila na “Hanggang Kailan” na as expected ay hagalpakan ng tawa ang audience sa nakatatawang eksena ng “Unkabogable Box-Office Star” on stage.
That evening, medyo paos pa ang boses ni Vice at pagod dahil galing sa taping ng Holy Week Special ng “It’s Showtime” na noong gabing ‘yun may birthday party siya sa Marco Polo Hotel para sa mga kaibigan niya.
Si Vice, isa siya sa mga taga-showbiz na madaling kausap basta kaibigan niya. Dahil may oras na puwedeng isingit kahit may party siya for his birthday, napagbigyan pa rin niya ang imbitasyon ng isang kaibigan, na ang naturang show ay sort of pa-birthday show na rin ng kaibigang Jobert Sucaldito who will be celebrating his birthday on Easter Sunday, April 16.
Aside from Michael, kasama rin sa ward ni Jobert under his Front Desk Entertainment Production and Management sina Prima Diva Billy (currently based in Dubai for a singing stint), Kiel Alo, Ezekiel, and #Hashtag member Nikko Natividad.
Mensahe ni Jobert sa mga sumuporta sa last Saturday show: “Thanks sa lahat ng pumunta sa “56K With Kara and Khel” concert namin sa Music Museum kagabi.
“We had a blast with our main stars Kara Mitzki and Harana Prince Michael Pangilinan of course and guests Pangga Duncan Ramos, Hashtag Nikko, my babies Ezekiel and Kiel Alo with Papa Anthony Rosaldo belting a song.
“Ang gagaling nilang magsipagkantahan sa ilalim ng musical direction ng guwapong-guwapong si Ivan Lee Espinosa with Marnie and Sammy as back-up vocals.
“And gosh! Unkaboggable Vice Ganda broke the house down. He’s such a genius sa entablado – on the spot siyang nakagagawa ng nakatatawang jokes.
“And whew! Halos mapaiyak kami sa duet nila ni Michael of Hanggang Kailan – ganda kasi ng lyrics and pagkakanta ni Vice ng sagot sa song – hugot kung hugot.
“Thanks soooo much anak na Vice Ganda for joining us. Lalong tumaas ang paggalang namin sa iyo, anak.
Umapaw halos ng tao ang Music Museum – thanks Tita Anabelle Rama for supporting us in this concert. Thanks to our dear sponsors, members of our families and many friends na nanood and most especially to all the members of the media na hindi na halos nakaupo dahil siksikan. Maraming salamat for bearing with us.
To you, anak kong Michael Pangilinan – you just don’t know kung gaano mo pinasaya ang puso ko sa advance birthday celebration kong ito. Dasal ko palagi sa Panginoon na patatagin pa ang karera mo and lalo ka pang biyayaan dahil napakarami mong natutulungan.
Ganundin siyempre sa iba ko pang babies – sina Hashtag Nikko, Kiel Alo and Ezekiel na sobrang mahal ko. Pakabait kayo ha dahil kung hindi, blind item ang aabutin ninyo sa akin. Ha! Ha! Ha! Labyu all!!!!!!!!!”
By the way, ang latest project ngayon ni Michael ay ang pagpapatayo ng recording cum rehearsal studio na ongoing na ngayon para mas madali na para sa kanyang mag-pracice with his band kapag may show siya.