APAT ANG characters ni Vice Ganda sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy na entry niya this year sa Metro Manila Film Festival kaya naman dusa siya sa mga eksena.
“Sa girl sina Paris Hilton and Ruffa Gutierrez ang peg ko, pinagsama ko sila kasi ‘di ba Barbie-Barbie-han. Tapos ‘yung pananalita, ‘yung arte Ruffa. Sa lalaki naman si Vhong Navarro. Siya naman ang lagi kong pine-peg kapag lalaki kasi siyempre ang ipe-peg mo ang gusto mong lalaki. Eh, gusto ko ang kilos ni Vhong bilang lalaki, ‘yung hitsura, ‘yung arte. Sa bakla, napakarami ko namang kaibigang bakla na hindi ko na kailangang i-peg ‘yon. Sa tomboy, ‘yun nga inaral ko na ‘yung Charice at Aiza,” chika ni Vice.
Actually, pinakanahirapan siya sa tomboy role pero nakatulong naman na marami siyang na-observe na mannerisms sa mga lesbian contestants ng That’s My Tomboy ng It’s Showtime. Nakatulong nang malaki sa kanya ‘yon.
He also discovered na favorite outfit pala ng lesbians ang checkered kaya naman sa movie niya ay sinabihan niya ang stylist niyang iyon ang isusuot niya sa mga eksenang tomboy siya.
WALANG CHRISTMAS party for the press ang ABS-CBN and TV 5 and many were disappointed.
Ang sabi ng PR ng dalawang network, the fund for the party will instead be donated sa Yolanda victims.
Actually, it was viewed by many writers as a FLIMSY excuse, gusto lang daw magtipid ng dalawang network at the expense of the entertainment press.
The party is held once a year and it really baffles many reporters kung bakit kailangan pang maging voluntary donation ang pondo para sa kanila. Parang taken for granted tuloy ang feeling nila. Ang dalawang movie press organizations ay merong donation na.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas