BLIND ITEM: SINO itong young actor na hindi naman pandak, pero may tsismis sa kanya tungkol sa pag-aari niya.
Naikumpara ng isang magandang young actress ang guwapong young actor sa current dyowa nito. Sabi ng girl, “Ang liit ng pototoy niya and surprisingly, ‘yung sa dyowa ko ngayon, ang daks!
“Eh, ‘di ba, ‘pag nagpipiktoryal ang dyowa ko, walang kabukol-bukol? Pero mare, kalokah. ‘Pag nagalit, super laki. “Walang sinabi ‘yung ex-boyfriend ko na susupla-suplado na parang untouchable ang drama, pero ang liit naman ng pototoy.
“Na-disappoint nga ako, eh. Kailangan ko pang uminom kahit konti para alam mo ‘yon! Makaramdam man lang ako na gusto kong makipag-anuhan sa kanya?”
Ganon? Eh, ‘di sama tayo nang sampu diyan? Ha-ha-ha!
TILA DESIDIDO NA nga ang aming kumare na pasukin ang magulong mundo ng pulitika, kaya ngayon pa lang, bubunuin niya ang apat na taong kurso na Public Administration para kahit paano, may alam na siya.
Pagdating sa kawanggawa, kami na mismo ang nagsasabi kung gaano ka-generous si Ai-Ai de las Alas.
‘Pag sobra pa ngang naaawa ‘yan, hindi pa niya mapigilan ang kanyang luha. Teka, saan naman tatakbo si Ai-Ai at anong posisyon? Well, dinig namin, pangarap ni Ai-Ai na maging Ate Vi someday, kaya malamang maging mayor ng Calatagan, Batangas ang kanyang targetin. Pero kukumpirmahin muna namin ito kay Ai-Ai, kaya ‘wag muna kayong maniwala, ok?
NU’NG UNA AY hindi pa makapaniwala hanggang sa makaharap na ni Vice Ganda ang correspondent ng Reader’s Digest. “Mama, tinanong ko talaga ‘yung nag-iinterbyu kumbakit ako.
Ang sagot niya, limang komedyante ang pinagpilian at unanimous na ako ang gustong i-feature sa Reader’s Digest.
“Nu’ng una nga raw, hindi nila ako mahanap, dahil ang ibinigay na pangalan sa kanya eh, Jose Marie Viceral at hindi Vice Ganda.
“Kaya nakakatuwa na ako ang ipi-feature nila sa September edition. Keri lang kahit hindi na ako maging cover, ‘no! Reader’s Digest ‘yan, ‘teh.”
At ang nakakalokah, bibili ng maraming kopya si Vice ‘pag lumabas na ang isyu, dahil proud na proud siya. Juice ko, kung nabubuhay lang si Graciano Lopez Jaena, baka i-feature din siya sa La Solidaridad.
Oh My G!
by Ogie Diaz