NASA Balesin Island ang hardworking unkaboggable superstar na si Vice Ganda nang tumama sa bansa ang Bagyong Ulysses. Ang dapat sana’y relaxing na bakasyon ng It’s Showtime host ay naging isang mapait na alaala para sa kanya at mga kaibigang kasama sa trip.
Hindi na bago sa Team Vice ang paminsan-minsan na pag-travel para makapagrelax. Alam naman natin lahat kung gaano ka-hectic ang schedule ni Vice kaya pati ang kanyang team at dyowang si Ion Perez ay aligaga rin.
For the first time since ECQ ay nakasakay na ulit ng eroplano ang Team Vice at kitang-kita ang excitement sa grupo nang lumapag ang kanilang sinasakyang chartered plane sa isla. Room tour, lafang, paglamyerda sa property at chill moments ang aim nila.
Nakita pa nga nila ang singer na si Moira dela Torre at ang kanyang mga kasamahan na tulad nina Vice ay nasa isla rin para makapag-relax.
Sa hindi inaasahan ay biglang pumarating ang Bagyong Ulysses sa bansa at hinagupit mismo ang Balesin Island. Ayon pa nga kay Ion Perez, hindi naman daw siya natatakot sa bagyo, pero iba kasi ang tunog nito. Ang mismong lugar na iyon pala ang mata ng bagyo.
Nasira na ang mga bubong ng mga kalapit na cottages kabilang ang tinutuluyan ng grupo nia Moira nang magdesisyon ang management ng Balesin Island na ilipat sa ibang building ang Team Vice. Walang kuryente sa unang pinagdalhan sa kanila kaya naman lumipat sila ulit. Kaloka!
Ang lahat ng ito ay nadocument mismo ng mga kasamahan ni Vice. Panoorin ang buong video blog:
“Sobrang hassle ‘yong nangyari kagabi, pero walang-wala ‘yun sa hassle ng mga naka-experience nung baha talaga hanggang sa loob ng bahay, hanggang sa bubong nila, ‘yung mga in-evacuate talaga kasi talagang super dangerous. Walang-wala itong na-experience natin.” pagmumuni-muni ni Vice the next morning habang iniikot ang isla. This time, mga sirang villas at bumagsak na puno na ang bumungad sa kanila.
Nakakalungkot ang sinapit ng ating bansa dahil sa Bagyong Ulysses. Maraming tahanan ang nawasak, may mga nasawi at nawawala. Sana ay makabangon tayong lahat sa unos na ito. 2020, quota ka na! Tama na!