Vice Ganda delivered thew best speech sa victory party for Beauty and the Beastie which was number one sa takilya sa katatapos na Metro Manila Film Festival. It earned more than P500 million, making it the highest grossing local film of all time.
Aniya, “Nagpapasalamat ako kay Tita Cory (Vidanes), kay Sir Deo (Endrinal). Maraming-maraming salamat dahil sila ‘yung nakaaalam kung ano ang nangyayari sa akin, sila ang nakaaaalam kung ano ang dapat gawin sa akin, sila ang nakaaalam kung nasaan akong posisyon, at sila ‘yung nakaaalam kung saan ako puwedeng pumunta pa.
“Kayo ‘yung laging nagre-remind sa akin kung ano ang dapat ikilos ng mga paa ko, kung saan ako pupunta, kung saan ako hihinto,” paunang salita niya.
“Maraming-maraming salamat sa pagpapamukha sa akin ng mga magagandang bagay na dapat kong ipagpatuloy at mga bagay na dapat kong ihinto. Sa pagpapaalala sa akin na dapat kong alalahanin. Sa pagsasabi sa akin ng mga bagay na dapat kong bitbitin dahil papunta na ako sa isang digmaaan. Maraming-maraming salamat,” dagdag pa ng Phenomenal Box-Office Star.
Vice also made kuwento about his banter with Deo Endrinal and what he learned from their chitchat.
“Nu’ng ginising nila ako isang beses, ni Sir Deo nu’ng sinabi niya, ‘Masyado ka nang nagpapaganda. Masyado ka nang glossy. Pagkatapos ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy gusto mo pretty ka na lagi. Pinagbigyan ka sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Idiniretso mo pa sa concert na magandang-maganda ka, mukha ka nang babae, hindi ka na mukhang bakla.
“Pinaalala niya sa akin na ‘yung nakilala naming Vice, ‘yung Vice na nagpapatawa, ‘yung niloloko ang sarili niya, inookray ang sarili niya kapag inookray niya ang mga tao. Nami-miss na namin ‘yun. Nami-miss na ng mga tao na nagmamahal sa ‘yo kasi hindi na nila nakikita. Ngayon hindi na nila nakikita, ‘wag mong antaying makalimutan nila kung sino si Vice Ganda. Balikan mo si Petrang Kabayo.
“Nag-isip ako. Ano ba ‘yun? Eh, lahat ng mga tao gustong… kaya naman tayo gustong magtrabaho ay para ma-develop at ma-improve natin ang mga sarili natin, ‘di ba?
“Kaya tayo nagtatrabaho para kumita nang malaki, kasi gusto nating makabili ng magandang sapatos, gusto nating makabili ng magandang spray net para matingkad ang buhok natin, mas mamahaling make-up para plakado ang mukha natin. Pero hindi ko magawa. Bakit kailangan lagi akong si Petrang Kabayo?
“Pero sabi ko, ‘ah, kaya pala ‘yun ang calling ko, ang pasayahin sila at ‘yun ang nagkapagpapasaya sa kanila. Hindi laging ikaw lang.’ Ngayon pala ito ay hindi na ito isang trabaho kundi isang obligasyon para sa napakaraming taong malungkot sa buhay. Kaya kailangan kong balikan si Petrang Kabayo.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas