HABANG GINAGAWA ni Vice-Ganda ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy, walang pressure na nararamdaman ang box-office comedian. Bagkus, ini-enjoy lang niya ang bawat character na pino-portray nito sa comedy film ni Direk Wenn Deramas. Siguro raw pag-showing na nito saka lang mapi-feel ng box-office comedian ang pressure.
“Nakailang solo na rin naman ako, apat ‘yung character ko rito. Mas nakapapagod, mas maraming preparasyon, physically tiring. ‘Yung preparasyon ang nakapapagod, ito ‘yung dahilan kung bakit isang eksena lang ang nakukunan sa isang araw . Ito nga raw ang pinakamalaki kong movie at saka, ito raw ang pinakabongga, sabi ni Sir Deo,” tsika niya.
Wala palang secret formula sina Direk Wenn at Vice-Ganda kung bakit nagki-click sa publiko ang tandem nila together.
“Kasi, totoong collaboration ang nagaganap, dalawa kami. Hindi lang basta director siya, artista niya ako, may collaboration. Punchline, tapos, may mga dialogue, ‘yung hinahayaan niya akong makialam. Natatakot akong makipagtrabaho sa ibang director kasi nga atribida nga ako. Pati ‘yung maliit na detalye na sasabihin, kapag hindi ko bet, hindi ko sasabihin, hindi ako natatawa d’yan. Hindi ba sa isang eksena maraming shot? Nadadagdagan ‘yung eksena dahil nagdadagdag ako ng adlib lagi. ‘Yung ibang director ayaw ‘yun, kada-eksena naiiba nang naiiba. Si Direk Wenn, hahayaan niya akong maglaro, kapag feel niya, go.Malayang-malaya ako, hindi ako sakal. Kasi, kapag bago ang director mo tapos hindi kayo masyadong magkakilala , minsan may gusto kang gawin, ‘wag na lamang kasi natatakot ka o nahihiya ka. Ayaw kong makaramdaman ng hiya. Ganu’n ‘yung sa ‘Sisterakas’, nu’ng first shooting day ko with Ai-Ai delas Alas and Kris Aquino, hindi ako maka-adlib, nahihiya kasi ako. Kasi, bago ‘yung kasama ko at saka hindi lang ako ang bida dito, tatlo kami. Iko-consider ko rin ‘yung dalawa. Nahalata ni Direk Wenn ‘yun, ‘bakit hindi ka mag-adlib?’ ‘Nahihiya ako, Direk.’ ‘Akong bahala, nakausap ko na sila,’ sabi ni Direk Wenn. Kailangan magaang kang nagtratrabaho, komportable ka,” pahayag ni Vice.
Dream pala ni Vice na makatrabaho niya si Maricel Soriano. “Dream ko naman tlaga ito na makasama si Inang Maria. Pareho naming gusto kasi, minsan tinanong ako sa ‘Umagang Kay Ganda’, ano pa ba ang gustong mangyari ni Vice-Ganda? Sabi ko, simple lang naman ang gusto kong mangyari, parang mabubuo ang pagiging artista ko kapag nasampal ako ni Maricel Soriano sa pelikula. Iba kasi kapag nasampal ka ni Maricel, artist aka na. Noong una na makaeksena ko siya, napanganga ako talaga. Sabi ko, iba talaga ‘yung training nu’ng mga senior actress noon. Iba ‘yung disiplina, iba ang training at saka, iba talaga sila. Blocking pa lang, kumakarga na, emotional agad, maga na ang mata, may luha na sa gilid, nanginginig na, napanganga ako,” say ni Vice.
Kumusta si Maria, behind the scene? “Nakakatuwa, na-overwhelm ako sa kanya kasi, dinadama niya na anak niya ako. Binigyan niya ako ng bimpo, pinahiran niya ako pulbos sa likod. Ikinukuwento na sa akin ng mg bakla ‘yun. Kapag inanak ka niya, anak talaga ang feeling niya sa ‘yo. Feeling niya, sa kanya ka lumabas. Binili niya ako ng mga bimpo, ‘yung coleman na lalagyan. Buo, pulbos, lotion, bimpo, lampen, tuwalya , lahat binili niya ako, naloka ako. Iba ‘yung bimpo ko sa mukha, iba ‘yung bimpo ko sa likod. ‘Yung mga bakla, tawa nang tawa. Nakakatuwa kasi wala akong Nanay sa tabi. Sobra, ibang experience.”
Sa apat na character na gagampanan ni Vice, ang pagiging tomboy ang talagang pinaghandaan ng singer/acor. “Ang pinaghandaan ko talaga rito ‘yung tomboy. Nahirapan akong ibahin ‘yung malayo, ‘yung kaibahan ng lalaki at saka tomboy. ‘Pag nagpa-mhin ako, magmumukha akong tomboy so, papaano ‘yung lalaki? Mayroon na akong picture ng lalaki, may peg na ako. Sabi ko, paano ba ang kilos ng tomboy, inaral kong talaga. ‘Yung mga plabas ni Aiza Seguerra, ‘yung MMK niya. ‘Yung mga interview ni Charice kung papaano sila gumalaw pinapanood ko. May common galaw pala ang mga tomboy. Medyo malikot ang kamay nila. Hindi sila aware, un-easy, hindi nila alam kung saan nila ilalagay ang kamay nila. ‘Yung kamay pala nila makumpas at saka naka-note sa akin, isinulat ko. Girl, Paris Hilton ang peg, ano ‘yung arte ni Paris, ‘yung ganu’n. Kung hindi nga lang malala ang schedule ko. Sabi ko kay Direk Wenn, ihuli niya ‘yung babae, kasi gusto kong maglagay ng totoong boobs. Magpapalagay ako ng totoong boobs para lang sa pelikula. After ng movie, patatanggal ko uli. Ayaw ni Direk Wenn, baka raw kung ano pa ang mangyari sa akin. Sabi ko, kung hindi puwede ‘yung sa babae, ihuli ninyo ‘yung sa lalaki. Magpapalaki ako ng katawan. ‘Yung magpapa-muscle ako ng katawan. May kinausap na akong magti-training sa akin. Iba ‘yung magiging hitsura ko. Sabin i Direk, ‘Kaya ba ng schedule mo? Eh, hindi kaya ng schedule. Ang gagawin na lang natin, sa kilos at pananamit na lang, hindi na ‘yung physical. Gusto ko talaga ganu’n, may muscle, maganda ang katawan, magkaka-abs ako, humpak ‘yung mukha ko. Ang dami ko ngang arte sa pelikulang ito, ang daming demands. Sabi nga ni Sir Deo, wala pang gumagawa ng apat na chracters sa Philippine cinema,” masayang kuwento ni Vice-Ganda.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield