NANGHIHINAYANG KAMI at hindi nakapasok si Richard Gomez bilang Mayor ng Ormoc City.
Noon pa man, pursigido na kasi si Goma na magsilbi sa bayan ng misis niya na reelected na si Congresswoman Lucy Torres.
Kung hindi nga lang kinuwestyun ang residency niya sa Ormoc noong huling halalan, ‘di sana’y hindi si Lucy na siyang last minute na pumalit sa kandidatura ni Goma ang nasa posisyon.
Maganda sana ang team up nila ni Lucy kung sakaling pinalad si Goma dahil magkakatulungan silang dalawa ni Misis Kongresista.
I wonder what happen sa pangako ng Iglesia ni Cristo sa Leyte na susuportahan nila si Goma from what I’ve heard before the election, lalo pa’t isa sa lead stars ng movie of the century ng INC ang Sugo (in celebration of their 100 years) to be directed by world famous Tikoy Aguiluz, kasama sina Albert Martinez at Sen. Bong Revilla.
Si Aga Mulach naman, tila wagi sa 4th District ng CamSur. Heard him the morning after the election being interviewed by Julius Babao and Jing Castaneda over DZMM, naramdaman namin ang tuwa mula sa boses ni Aga sa kanyang pagkaanalo.
It’s hard work para sa kanya lalo pa’t matibay at beterano ang kalaban niya sa posisyon. Sabi niya: “Baguhan ako. I have a lot to learn.” Na sa pag-amin niyang ‘yun, alam ko na he wants to help his constituents. Gusto rin niya ng pagbabago.
Hopefully maisakauparan niya ‘yun at matupad ang kanyang mga ipinangako. Sana makipagtulungan sa kanya ang mga taga-Cam Sur para maging maayos ang lahat.
But last Wednesday, nag-post si Aga at Liezel (Martinez), pinsan niya sa facebook na humihingi ng tulong sa publiko at pakiwari nila ay dinadaya sila ng kalaban ng aktor na si Whimpy Fuentebella na isa sa mga malalakas na pulitiko sa CamSur.
Kung saan hahahantong ang bagong career ni Aga sa pagpasok niya sa local politics ng Cam Sur ay mag-miron tayo.
MAMAYANG GABI na ang concert ni Vice Ganda. Ikatlong pagkakataon na niya itong pagkakaguluhann sa The Big Dome para sa kanyang I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta.
Suwerte nga ng mga naka-score ng ticket na sold-out na three weeks before the scheduled concert.
Kaya no need for a maximum publicity to generate interest dahil sa simula pa lang ay inabangan ng kanyang milyun-milyong fans ang kanyang pagpapamalas ng kabaliwan.
Mga anektoda ni Vice na nai-share niya kamakailan ay it’s either maaliw ka or mababaliw sa kanyang pagiging straight forward at pagka-witty.
Kung si Manny Paquiao ay nag-a-abstain sa sex bago makipag-boxing, siya hindi at deadma kahit may show or concert siya. Hindi naman daw lalamunan ang gamit niya kapag nakikipag-sex, kaya okey lang. ‘Yun na!
Emotera rin si Vice. Kahit may boyfriend siya, nakikipaglandian pa rin siya sa iba. “I’m a typical bading. Ang dyowa ko, nagmamay-ari ng puso ko, pero ang katawan ko pang-sharing.”
TALUNAN SI Anabelle Rama sa kanyang pakikipaglaban sa 1st District ng Cebu sa pagka-kongresista over Raul del Mar nitong nakaraang eleksyon.
Pero as a Cebuana fighter, tuloy ang laban ng ina nina Ruffa at Richard Gutierrez sa 2016 sa pangakong babalik muli sa laragan ng politika.
Sa muling pagpaparamdam niya sa showbiz after almost six months of absence, ano kaya ang naghihintay sa anak niyang si Raymund na natigbak na ang dalawang show (Hot TV at Party Pilipinas); kay Ruffa na until now ay inaabangan namin ang muling pagiging aktibo niya sa telebisyon at kay Richard na hindi na natuluyan ang pagpapalabas ng pelikula nila ni Marian Rivera na My Lady Boss (na nag-backout a few days prior to scheduled release) kahit may regular television show ang binata na Love and Lies sa Kapuso Network na hindi pa rin sumasampa sa rating games.
But what I really missed is Ruffa na sana ay maging aktibo muli sa showbiz.
Reyted K
By RK VillaCorta