SA SOBRANG successful ni Vice Ganda na bida sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy, hindi na kataka-taka na milyones na ang talent fee niya sa movies, TV project, endorsement at shows here and abroad. Pero ayaw niyang sagutin kung magkano na ang worth niya.
Nang pabirong tanungin si Vice if he can buy a club (patungkol sa binitiwang salita raw ni Anne Curtis kay Phoemela Baranda na itinanggi na nang huli), sagot ni Vice: “I can, but I won’t.”
Dahil isa sa walong official entry sa darating na Metro Manila Film Festival ang pelikulang niya na idinirek ni Wenn Deramas under Star Cinema, dito lang sa Pilipinas magse-celebrate ng Kapaskuhan si Vice para makatulong siya sa pagpo-promote ng kanyang movie.
Besides, gustuhin man daw niyang magbakasyon abroad ay hindi rin uubra dahil bukod sa gagawin niyang pagpo-promote ng movie ay dumating din ang kanyang nanay mula America para rito mag-celebrate ng Pasko.
Isang white Mercedez Benz sports car daw ang advance Christmas gift niya sa sarili na kung hindi kami nagkakamali ay worth P5-M to P6-M.
Ibinenta naman ni Vice ang kanyang Chrysler na kotse para i-donate ang buong pagbebentahan nito sa mga survivors ng bagyong Yolanda.
Kaya naman hanggang ngayon ay pinagpapala ang isang Vice Ganda dahil marunong mag-share ng blessing sa mga nangangailangan.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo