BLIND ITEM: MALAKI NA si-guro ang ipinagbago ng ba-gets actor na ito mula nang maliko ang kanyang landas.
Naalala pa namin ang kuwento ng isang kaibigan na nu’ng ito’y may bisyong mine-maintain ay dumating na ito sa puntong “sumeserbis” na sa mga bading.
Dati-rati, ‘pag tsinatsansingan siya o iniisahan ng bading, nakakabalita kami na dyinombag niya ‘yung bading.
Pero dahil nga may “bisyo,” ayun, “humahada” na rin ang bagets, kaya nu’ng makarating sa amin ang tsikang ‘yon, sobrang umarko to the tenth floor ang kilay namin, dahil hindi kami makapaniwala na keri na ng bagets na ito na “humada” ng bading for a fee just to sustain his vice.
Anyway, sana nga, tuluy-tuloy na ang pagbabago ng bagets na ito. At sana, mabigyan uli siya ng second chance sa mga pelikula at teleserye.
HINDI PA NAMIN nabibisita, pero sa pinoyexchange.com daw ay merong comment doon na parang hindi kami pabor ni Mareng Nikki Gil kay Jennylyn Mercado for Luis Manzano?
Halata raw sa hilatsa ng mga mukha namin habang iniinterbyu si Luis. Hahaha! Nakakalokah naman ‘to. Kelan pa kami nanghimasok sa lovelife ni Luis?
Ever since, wala kaming pakialam. As long as happy ang a-ming “anak-anakan” sa kanyang lovelife, happy na rin kami para sa kanya.
Sa dressing room nga, sa sobrang happy ni Luis, nag-macho dancing pa sa likod namin, eh. Hahaha! Ganyan kaaligaga sa kanyang lovelife si Luis.
Saka we always ask Luis. ‘Pag malungkot siya o hindi mapagkausap, eh tinatanong namin kung ok ba siya o baka puwede kaming makatulong.
Kasi nga, si Ate Vi, laging i-binibilin sa amin ang anak niya. Na ‘pag wala raw siya eh, kami muna ang “nanay” ni Luis. Kaya siyempre, madir na madir ang feeling namin ke Luis.
So there…
So there daw, o!
KINABOG NANG BONGGANG-BONGGA ng Gandang Gabi, Vice! ang Show Me Da Manny sa National, Mega Manila at Metro Manila nu’ng pilot episode ng solo chat show ni Vice Ganda.
‘Eto po: Gandang Gabi, Vice: 21.9/19.8/23.2 samantalang ang Show Me Da Manny ay 7.5/9.9/8.7.
Hindi pa ipinapalabas ang Gandang Gabi, Vice! nag-trending topic na ‘to sa Twitter, pang-anim. At nu’ng Sunday mismo, nag-number 4 ito sa trending topic sa ‘Pinas.
Sa mga hindi nakaaalam, o ‘yung walang Twitter account, ibig sabihin po ng “trending topic” ay “pinag-uusapan” sa Twitter sa buong ‘Pinas.
“Mas nakaka-pressure ngayon for me ito, mama,” sey sa amin ni Vice. “Kasi, masyado na namang mataas ang expectation ng mga tao sa show. Ang nakakatuwa rito, halos lahat, bongga ang comment sa show. Wala ako halos nabasang negative, sa totoo lang.
“Gano’n lang naman ang purpose ng Gandang Gabi, Vice! eh. Gusto ko lang magpasaya every Sunday bago sila matulog bilang me pasok na naman kinabukasan!”
Sana nga, ma-maintain ni Vice ang taas ng rating ng show.
“Gusto ko naman, kahit one season lang ang show na ito eh, maging memorable naman sa ating lahat, ‘di ba?’
Yes, one season lang po as in 13 weeks lang ang Gandang Gabi, Vice! kaya namnamin na natin nang bonggang-bongga.
Favor naman, baka puwede n’yo namang i-like ang aming Facebook fanpage na The Ogie Diaz at i-follow ang aming blogsite www.ogiediaz.blogspot.com at sa twitter @ogiediaz.
Oh My G!
by Ogie Diaz