KUNG MINSAN, HINDI mo rin maispeling ang ibang tao, ‘no? Nakakalokah. Nanalo na nga si Manny Pacquiao by unanimous decision, pero parang hindi pa rin matanggap ng ibang mga kababayan natin.
Parang masyado na silang nasanay na kailangan, laging napapatumba o TKO ni Manny ang kalaban para ganap nang kumpleto ang kaligayahan nila’t masulit ang ginastos nila sa pay per view.
Gusto pa yata ng iba, sumuka ng dugo at mapisak ang mga mata ni Juan Manuel Marquez para 100% na silang masaya.
The mere fact na nanalo si Manny, sana, maging masaya na tayo. Hindi, eh. ‘Yung iba, parang gusto pang maging fair sa desisyon ng kanilang kunsensiya.
Ang idinidikta ng kunsensiya nila, panalo si Marquez, pero isigaw mo ‘yan sa buong mundo, tingnan ko lang kung hindi ka kuyugin ng mga kapwa mo Pilipino.
Pa’no ‘pag baligtad ang sitwasyon at si Marquez ang nanalo? Ano kaya mararamdaman ng mga Pinoy? Kahit hindi ako manghuhula, I’m sure, malulungkot lahat ng mga asang-asang si Manny ang magwawagi.
Pero kahit naman ano’ng sabihin namin dito, ang bottomline: ganyan talaga ang mga Pinoy. Tipikal na Pinoy. Hindi matatapos ang araw na hindi nakikipagtalo sa mga kahuntahan para lang i-raise ang kanilang punto.
Na sana, wala namang saksakang maganap, dahil again, ‘yan din minsan ang sakit ng ilan nating kababayan. Nakikipagtalo, ayaw magpatalo. ‘Pag matigas pa rin ang kahuntahan sa pakikipagtalo, pisikalan na ang susunod na mangyayari.
Anyway, ayaw na naming makipagtalo. Aminin natin, tipikal pa rin tayong Pinoy. Tigas ng ulo kung minsan. Hahaha!
TILA MERON NANG bagong pag-ibig si Aiko Melendez pagkatapos ng relasyon nila ng kademandahan blues niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.
Pero ang Lola Aiko n’yo, aba, malihim. Ayaw niyang sabihin sa amin, baka raw kasi maudlot. Mahabang kuwento rin daw, kaya dapat daw kaming magkita at magkape.
Bilib din kami sa kumare naming ito. Kahit ilang lalaki na ang minahal niya at naglaho, still, hindi pa rin siya nauubusan ng pag-ibig sa kanyang puso.
Gano’n naman talaga ang buhay. Hangga’t tumitibok ang puso mo and you have so much love to give, ‘wag kang titigil magmahal.
Bahagi ng pag-ibig ang kabiguan. Diyan ka natututo, diyan ka bumabangon. Pero once makabangon ka, patuloy ka pa ring nagmamahal.
NEXT YEAR DAW ba ay madadagdagan ng category ang Box-Office King & Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ng Box-Office Gay?
Kung kami ang tatanungin, hindi dapat magkaroon ng another category for gays pagdating sa Box-Office. Ang bading ay lalaki pa rin, so dapat, under “King” sila.
Tulad ni Vice Ganda, kung sakaling hindi na kayang lampasan ang more than P300M box-office record na nagawa ng movie niyang Praybeyt Benjamin, in all humility, dapat, siya ang tanghaling “Box-Office King”, ‘di ba?
Hindi kailangang lagyan ng label ang mga bading para lang mag-fit in sa lilihaing category. Lalaki pa rin ‘yan. At kahit magpapuke ‘yan, lalaki pa rin ‘yan sa birth certificate.
PAKI-LIKE NAMAN ANG www.facebook/vibestayo at ugaliing manood araw-araw ng teleradyo online namin ni Rommel Placente, 4-5:30pm.
Meron ding mga bumibisitang artista sa amin na no-holds-barred naming iinterbyuhin (basta wala lang kasamang parents sa studio, hahaha!)
I-follow n’yo rin kami sa aming twitter (@ogiediaz) at ang @vibestayo.
Oh My G!
by Ogie Diaz