HINDI KAILA sa showbiz ang usaping “package deal” ang arrangement ng director at ang paborito niyang artista.
Sa sitwastyon ng box-office director na si Wenn Deramas, open secret na rin na masasabi ang tungkol sa “special friendship” nila ng character actor na si DJ Durano na palagiang naka-cast sa mga pelikula ni Direk Wenn.
Walang project si Direk Wenn mapa-telebisyon man o pelikula na hindi kasama si DJ.
Pero sa bagong obra ni Direk na Bromance (My Brother’s Romance), marami ang nagtataka kung bakit hindi kasama si DJ sa project.
Unang depensa ng director, busy si DJ noong nagka-cast sila. “Dalawa ang projects niya,” sabi nito na malamang sa hindi ay hindi nito maisisingit sa kanyang schedules ang pelikula.
Nang kulitin siya ng press, napaamin si Direk Wenn sa tunay na estado ng sitwasyon nila ni DJ. “We’re not okey. Mahirap naman na ipilit na magkasama kayo na hindi naman magiging okey, ‘di ba?” kuwento niya.
Hindi na nag-elaborate si Derek Wenn sa dahilan ng split-up nila na naging usap-usapan ng mga taga-showbiz.
“Baka iba na ang gusto niya,” pabirong sabi niya na tuloy ang press na kaharap niya ay lalong nagtatanong na may malisya.
SMARTE. INTELIHENTE si Vice Ganda. Hindi lang siya tipikal na komedyante na patumpik-tumpik ang mga jokes na binibitawan niya kapag nagbibiro siya sa ibabaw ng entablado o sa harap ng telebisyon.
Sa unang tingin, parang siya si Ru Paul (transvestite na entertainer sa Amerika). Pero sabi ni Vice, halo-halo ang inspirasyon niya kung ano man siya ngayon.
“Si Rihanna, si Lady Gaga, sila ang mga insperasyon ko. Sa itsura ko naman, may mga profesional stylist na nag-a-advise sa akin pero in the end, ako pa rin ang nasusunod kung saan ako magiging kumportable,” sabi ni Vice.
Sa isyung pulitika, hindi niya papasukin ang isang bagay na wala siyang alam. Nang biruin kung pwede siya maging bise ng kaibigan niyang si Kris Aquino sa 2016 election, dagling sagot agad niya. “Maraming paghahanda pa if ever,” seryosong sabi niya.
Pabiro man or may sundot lang talaga siya tulad ng mga Pinoy na nag-iisip: “Kaya nga si Nancy Binay, ewan ko kung bakit from an ordinary housewife nangangarap maging senador. Pero ako, dati akong SK (Sangguniang Kabataan). At least may konting background,” sabi niya na sabay nagtawanan ang mga naroroon sa Dolphy’s Theater.
Sa Biyernes after the mid-term election sa Lunes, magugulo na naman ang Cubao sa mga dadagsang mga fans niya na manonood ng concert niyang I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta.
“Watch n’yo at maglalaswaan kami ni Paulo Avelino. Si Ate Ai (Ai-Ai delas Alas) ang kaeksena ko over Paulo,” kuwento niya.
Nang tanungin kung sino ang iboboto niya bago ang kanyang concert, “Si Teddy Casiño, iboboto ko. Ang Ladlad gusto ko. Wala pa silang anim na senador ang gusto ko. Itu-tweet ko na lang kung-sinu-sino sila,” sabi ni Vice Ganda.
KUNG HINDI kami nagkakamali, pangalawang beses na ito ni Zanjoe Marudo na magpapakita ng kayang butt sa pelikula.
‘Yong una ay sa pelikula nila ni Angel Locsin noon na kahit medyo may kadiliman ang eksena kung saan sa sobrang kalasingan at nakahiga siya ng nakadapa, kitang-kita ang hubog at umbok ng kanyang puwet.
Sa launching movie ni Zanjoe ang Bromance (My Brother’s Romance) ng Starlight Films magpapa-impress na naman si “Z” (palayaw niya) sa kanyang magandang puwet.
I just dont know kung sa pagpapamalas niya ng kanyang maumbok na butt ay sa dual character niya as Brando (the macho) or Brandy (the beki).
Laugh trip na naman ito.
Reyted K
By RK VillaCorta