ALIW SI Vice Ganda kapag nagsalita na. Kahit kailan naman, basta bumuka na ang bibig niya, alam mo pang-banner story siya. ‘Yun nga lang, waley na siya talk tungkol sa kinasasangkutan ng kaibigan niyang si Anne Curtis during the presscon ng MMFF 2013 movie niya na Girl, Boy, Bakla, Tomboy na produced ng Star Cinema at Viva Fims.
Tipong off lalo pa’t kaliwa’t kanan na ang halo-halong opinyon ng publiko (may punto man o wala) sa mga pangyayari.
Vice statement in any issues alone can stand. Kaya nga bilib kami sa kanya bilang isang komedyanteng may laman ang utak na ‘pag nagsalita na at nahingan ng opinyon (kahit ‘yong ibang pagkakataon ay hindi kami sang-ayon) ay may stand siya (paniwalaan man namin o hindi).
Sa full trailer na napanood namin, aliw na kami sa kanya tulad sa naisulat na namin last issue. Mas laugh trip ito kaysa sa pelikula nina Ryzza Mae at ni Bimby na tulad din sa naisulat namin, parang pilit ang mga comedy scene ng pelikula ni Aleng Maliit at ng anak ni Kris Aquino.
Mantakin mo na four different characters ang pinu-portray niya, kung saan bilang isang “tomboy” ay doon siya mas nahirapan gampanan lalo pa’t naghahalo in one day ang four characters na ginagampanan niya.
Maging si Direk Wenn, puring-puri si Vice sa ipinamalas ng komedyante na sa isang araw ng shooting, paiba-iba ang internalization niya sa iba’t ibang karakter niya sa pelikula.
Sabi nga ng isang film critic na nakasama namin na nakapanood ng trailer ng pelikula (‘yong hindi bayad at uma-attend ng presscon), opinyon niya, may laban si Vice sa Best Actor Category kahit sabihin man na isang comedy film ang pelikula niya.
Reyted K
By RK VillaCorta