WALA sa intensyon ni Vice Ganda na maka-offend ng audience tuwing magkakaroon siya ng concerts. Kaya winarningan na niya ang audience ng kanyang Gandemic: The VG-tal Concert na huwag maging balat sibuyas sa mga pakakawalan niyang jokes sa July 17, 2021.
“Maraming tao na hindi naman talaga sila na-offend, hindi lang talaga sila busy. Ha-ha-ha. Maraming tao na, totoo ba na-offend ka o na-affect ka lang? Kasi tutok ka at wala kang ginagawa. So, triggered yung mga tao dahil mataas yung mga emosyon ng lahat dahil nasa bahay lang tayo, hindi tayo busy.
“Tapos alam natin sa utak natin na may pangit na nangyayari sa paligid natin kaya may negative thoughts. So, sa ngayon hindi mo na talaga alam kung anong nakaka-offend at hindi nakaka-offend, anong tama at hindi tama, di ba?
“Kahit wala ka ngang sinasabi people will get offended, and people will force you to say something. Pag nagsalita ka naman mao-offend pa rin sila, so wala na siyang gauge talaga kung ano ba talaga yung nakaka-offend at hindi nakaka-offend,” simulang pahayag ni Vice sa amin.
“Kaya ako, might as well, I will just rely on my judgment. Kasi yung judgment ng ibang tao hindi ko na alam yon. Kung ano sa tingin ko yung okey, eh, di yon. Kung ano sa tingin ko yung fun, di don tayo sa fun since this is my concert, di ba?
“I will give you my own brand of comedy, my brand of materials, my brand of content, so if okey kayo do’n, if you are willing to experience my brand of comedy then watch my concert,” sabi pa ng It’s Showtime host sa kung anong dapat asahan ng audience sa Gandemic concert.
Paano ba nabuo ang kanyang kauna-unahang digital concert?
Tugon ni Vice, “Yung Viva talaga ang nag-decide na ituloy siya this year. Originally, May 1 pa nga dapat yung concert, pero dahil nga pabagu-bago yung rules ng IATF hindi kami talaga makapagbuo ng event kung paano kasi iba-iba yung protocols, so yung May naging June tapos yung June naging July. So, hopefully hindi na siya maantala at matuloy na siya ngayong July.”
Ayon pa kay Vice, pinanood niya ang mga digital concerts ng ibang artists para makakuha siya ng idea kung paano gumawa ng digital concert.
“Talagang pinanood ko yung mga recent concerts ni Daniel (Padilla), ni Regine (Velasquez), ni Sarah (Geronimo), kasi wala akong idea how this digital concert happens,” kuwento niya.
Dugtong ni Vice, “Wala akong idea kung paano ginagawa itong mga digital concert, ano bang dating niya, ano bang itsura niya, so may conscious effort talaga akong manood at bantayan yung ganap para may idea ako.”
“Ang ibibigay ko dito ay yung strength ko na super patawa at yung ang gusto kong i-make sure talaga. Sabi ko, kailangan grabeng patawa ito dahil ito yung kailangan nila, eh. I will make sure na sobrang nakakatawa itong gagawin namin,” proud niyang pahayag.