Vice Ganda, nagpaliwanag sa pagpatol ng lalaki sa bakla

Vice Ganda
Vice Ganda

Naka-limang taon na pala ang Sunday show ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice”.

Last night (July 10) sa unang hataw ng anniversary presentation ng palabas ng “Unkabogable Box-Office Comedian”, nagpasiklab agad sa kanyang opening song and dance production number ang komedyante.

Naikuwento nga ni Vice Ganda na noong una, isang season or 14 episodes lang pala ang offer sa kanya ng ABS-CBN management para sa GGV. Hindi namamalayan sa pagdadan ng ilang Sundays, buwan, at taon ay naka-limang taon na pala ang show niya, kung saan ang mga kalaban o naging katapat ng GGV ay namaalam na at ang ilan ay hindi man lang napansin at nawala na rin sa ere.

At last night’s show, nagustuhan ko ang pagtalakay ni VG sa show ng tungkol sa fear ng mga kalalakihan na makipagrelasyon o subukang magkaroon ng experience ng mga lalaki sa mga bading.

Straight to the point, tinanong niya openly sa audience at harap-harapan sa members ng grupong #Hashtags: “Kapag pumatol ba ang lalaki sa bakla, bakla na rin siya?”

Diretsahang sagot ni Vice: “Hindi. Kapag pumatol ang lalaki sa bakla, hindi nangangahulugang magiging bakla rin siya.

Balik tanong ni Vice: “’Pag ang bakla ba pumatol sa lalaki magiging lalaki kami? Hindi naman. Ganu’n din kayo. Kasi bakla kami. Kung lalaki talaga kayo, kahit pumatol kayo sa bakla, lalaki pa rin kayo.

“Kung pumatol kayo sa bakla, kung bakla na kayo, bakla kayo. Hindi kayo pumatol sa bakla, kaya kayo naging bakla.”

Paliwanag pa ni Vice: “Kaya kayo naging bakla, kasi bakla talaga kayo. Kaya ‘pag ang lalaki pumatol sa bakla, lalaki ka pa ring mananatili,” paliwanag niya sa mga ito at sa kalalakihan na rin na nanonood noong gabing ‘yun.

‘Yan ang gusto ko kay Vice. Kahit magloka-lokahan man siya, may positive input pa rin siya sa LGBT issues na sa estado niya as a celebrity, ang pagpapaliwanag niya nang tama at wasto ay nakatutulong malinawan ang iba sa mga katanungan nila sa issues.

Last night, ipinaliwanag din ni Vice kung ano ang ibig sabihin ng SOGIE. Sabi ng beking komedyante: “Isa itong acronym na ang ibig sabihin ay Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression.

“‘Yung sexual orientation, walang kinalaman sa gender identity. Ang gender identity, walang kinalaman sa gender expression.

“Kaya kung ang sexual orientation mo pumapatol ka sa bakla, sexual orientation mo ‘yun. Pero kung ang gender identity mo, lalaki ka, kahit pumapatol ka sa bakla, kung lalaki ka, lalaki ka.

“At kung lalaki ka, kung ang gender expression mo, gusto mong magpalda, kahit magpalda ka, kung ang gender identity mo ay lalaki, lalaki ka.”

Well said. Mabuhay ka Vice! Kaya love na love ka ng LGBT community.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleSylvia Sanchez, kabado sa bago niyang teleserye
Next articleFans nina Xian Lim at Kim Chiu, ‘di magkamayaw sa ilang ulit na halikan ng dalawa on stage sa concert ni Xian

No posts to display