OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Amazing talaga! Kasi akala ko, wrong send lang ang nag-text sa akin na si katotong Jobert Sucaldito na nag-iimbita sa akin last Oct. 2.
Sabi niya, “Gud. pm. Pls join Gov. Er Ejercito in an intimate thamkgiving ligth dinner prescon tom. oct. 2 at 6pm at Shakey’s tomas morato.pls. ack. tnx. Mwah!u jobert s.”
Kaya nag-reply ako. Sabi ko sa kanya baka wrong send siya, kasi for the first time, naimbita nila ako sa dami na ng events na kanilang pinagkakaabalahan. So nag-text back na, “copy! yes imbitado ka.”
Kaya bago mag-6 pm, nagpakuha na ako ng taxi. Pagdating ko roon sa venue, inabutan ko sina Jobert na nasa labas at nagpaliwanag siya na kaya hindi ako naiimbita, kasi wala na ang number ko. Nawala raw ang cellphone niya, kaya bago na. At wala pa raw si Gov. ER. Pumasok na lang daw ako sa loob.
Ayun, doon ako naupo sa table nina Manay Ethel Ramos, Ernie Pecho at Ronald Constantino. Nag-aalangan ako, kasi si Ernie lang ang kabagang ko sa kanila. At habang nagkuwekuwentuhan kami ni Ernie, nakita ko naman na parang very accomodating si Manay Ethel, so naglakas ako ng loob na kausapin tungkol sa kandidatura ni Aga Muhlach sa Bicol bilang congressman. Sabi niya wala namang problema, nakapag-file na raw si Aga.
So sa hinaba-haba ng kuwentuhan namin, hindi namin namalayang almost 9:30 pm na, wala pa si Gov. ER. Tapos biglang pumasok si Jobert na sabi parating na, nasa Christ The King na raw. So para hindi mainip ang mga kasamahan ko sa hanap-buhay, sumayaw si Mercy Lejarde ng Gangnam style. Tawanan sila at siguro ko, after few minutes, nagtayuan na ang iba na nand’yan na raw si Gov. ER. Pero sina Ethel at Ronald, hindi na nakapag-antay, nag fly away na. Kami na lang ni Ernie ang natira sa aming table.
Nagpaliwanag na si Gov. kasama ang kanyang beloved wife na si Mayor Maita Sanchez ng Pagsanjan. Sa takbo ng presscon, natanong si Gov kung ano ang masasabi niya sa hindi mamatay-matay na issue tungkol sa anak ng isa niyang Bokal na artista rin si Angelica Jones? Maraming tsika na anak daw ito ni Gov.
Ipinaliwanag niya na hindi, at kahit ang asawa niya, talagang hindi raw. Nag-usap na sila ni Angelica, alam daw niya kung sino talaga ang nakabuntis, at sabi ni Gov. ER, kung sakali ngang siya ang nakabuntis kay Angelica, hindi raw niya ito idi-deny, kasi wala sa pamilya ng Ejercito ang hindi umaako sa kanilang mga naanakan.
Naloka ako nu’ng magtanong ako, na ano ang masasabi niya bilang pamangkin ng dating presidente na tatakbo bilang mayor ng Manila. Sabi niya sa akin, walang problema kasi nand’yan naman ang Malacañang, nasa Manila, parang presidente na rin siya. Kasi ang capital ng Philippines ay Manila.
Tumaas ang kilay ko, kaya tinanong ako ni Jobert kung satisfied ako sa sagot ni ER. Sabi ko, hindi. Kasi, nasaan ang logic ng Malacañang nasa Manila, kaya parang presidente na lang siya at ang capital ng Pilipinas ay Manila? Sa aking pagkakaalam, hindi na Manila ang capital ng Pilipinas. ‘Di ba, Quezon City na? Aywan ko kung naibalik na ulit sa Manila. (Tita Swarding, matagal na pong naibalik sa Manila ang capital ng Pilipinas! – ed)
Anyway, nakapag-file na raw sila ng candidacy at for re-election silang dalawa. Hindi ko namalayan na nawala na si Jobert, kasi may program pa siya sa DZMM ng 10 pm. Kaya hindi ko alam kung sino’ng kakausapin ko at konti na lang kami na natitira roon.
Nakita ako ni Inday Garutay, tinanong ako kung galit ako kay Vice Ganda. Sabi ko, hindi. Bakit naman ako magagalit sa kanya? Trabaho lang, walang personalan.
Kuwento kasi niya, hanggang ngayon, galit siya kay Vice Ganda, kasi siya ang nagpaalis kay Inday Garutay sa Laffline at Metro Bar. Kasi napaka-insekyura raw nito, at kahit si Ate Gay, galit daw sa kanya. Kasi nu’ng nagbakasyon yata siya bilang judge ng Showtime, ang pansamantalang ipapalit sana sa kanya ay si Ate Gay. Hindi raw pumayag si Vice Ganda, kaya si Ai-Ai delas Alas ang ipinalit sa kanya. Ayaw raw kasi nitong masapawan ng kapwa niya bakla.
Hay, naku! Minsan lang ako um-attend ng mga presscon, pero ang dami kong natuklasang kadramahan ng mga kasama natin sa hanap-buhay.
Anyway, ngayong araw na ito ang kaarawan ni Gov. ER. Hindi raw siya magse-celebrate, kasi bawal sa kanya ang may number 9 sa huli ng kanyang birthday. Sa next year na lang daw ang big celebration kasi, gold na siya.
Salamat kay Jobert S. sa pag-imbita sa akin. Gov. ER, happy birthday and more power. I’m sure winner ka na, kasi wala kang kalaban, pero mas gusto daw niya na may kalaban. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding