TINANONG KO ‘yong kapitbahay kong mekaniko ng car aircon kung alam n’ya ang love team nina Yaya Dub (Maine Mendoza) at Alden Richards sa telebisyon.
Sabi ni Nestor sa akin, hindi raw niya kilala si Yaya Dub. Si Alden, kilala niya. Napapaood niya sa TV na kapareha ni Marian Rivera noon.
Sabi ko, si Yaya Dub ay ‘yong kapareha ni Alden sa scripted romance ng dalawa sa Eat Bulaga na sinusundan ngayon ng sambayanan. Kilig ang karamihan sa “romansang” nakaaaliw tingnan, na kung first time mong mapapanood, iisipin mo na si Yaya Dub, may problema sa isip. Para siyang “epileptic” sa mga body movements niya.
Pero aliw si “Epileptic Beauty” sa amin lalo pa’t kung kilos normal lang si Yaya Dub in front of the camera, not bad na puwede silang maging tunay na love team ni Alden (na naghahanap ng kanyang tunay na makapapareha sa kanyang showbiz career), na puwedeng itawid sa isang mas matinong teleserye sa telebisyon o ‘di kaya’y maging sa isang tambalang pampelikula. Pero sa makailang beses kong napapanood ang segment nila, naaaliw ako sa hide and seek nila na hindi magtagpo-tagpo at magkaharap.
Pero OA ng review na iba na nalaos daw bigla ang komedyanteng si Vice Ganda sa katapat na It’s Showtime ng kalaban ng EB dahil sa pagsulpot ni Yaya lalo na ang love team nila ni Alden.
OA dahil sa almost two months pa lang ang presence ng dalawa as a love team (as Aldub), sinasabi ng kampo ng EB na nilamon na sa popularidad ng show ng Kapuso ang pangtanghaling palabas ng Kapamilya.
Kung kasikatan din lang naman siguro ang pagbabasehan, yes, popular si Yaya Dub ngayon, sikat sa telebisyon ang love team na Aldub. Pero ang tanong, magtatagal kaya ang “sinto-sinto” na peg o karater niya para ‘di pagsawaan ng publiko? Kung sa bagay, iba ang panlasa ng masa, na mabibilang mo lang sa daliri ang mga segments ng EB na gusto namin.
Yes, tunay na girl si Yaya Dub at pretty. She looks like Beauty Queen Gem Padilla na Binibining Pilipinas-Universe contestant natin noon (minus the abnormality na akting-aktingan niya) na ikumpara mo si Vice sa kanya pagdating sa pagandahan, ang layong ‘di hamak. Si Vice, feeling pa-girl, while si Yaya Dub ay tunay at hindi tubog na pa-girl.
Hopefully ‘pag nagtagpo na sila ni Alden sa romantic segment nilang dalawa, may bago nang ipakikita si Yaya Dub. Hopefully, mahipan siya at madasalan ng orasyon ng mga mambabarang at baka mabago ang karakter ni Yaya Dub na pakiwari ko’y may problema sa pag-iisip ang ipinagkikilos, kung hindi man “aboy-abnoyan” talaga ang peg niya at karakter sa EB.
Reyted K
By RK VillaCorta