Ito ang kapuri-puring katangian ni Vice Ganda sa kabila ng unprecedented box office success ng MMFF entry na “Beauty And The Bestie” which he humbly shares with Coco Martin, James Reid and Nadine Lustre.
At nito lang napagtanto ni VG kung bakit “nag-iinarte” noon si Coco repeatedly refusing to do a movie with him under Star Cinema. “Panay kasi ang tanong ko sa kanya noon, ‘Bakit ba ang arte-arte mo? Bakit ayaw mong gumawa tayo ng pelikula na magkasama?’ Sagot niya, ‘Gusto ko, kung gagawa tayo ng movie, ‘yung kailangan mo ‘ko at kailangan kita.’
“So, napaisip tuloy ako, tama nga si Coco Martin. Nu’ng gawin namin ‘yung movie, kumbaga, we needed each other,” self-realization ni VG triggered by the fact that almost second half of 2015 ay dumaan siya sa maraming pagsubok.
The success of their festival entry, however, should keep him grounded. Sa halip daw kasi na makipagbangayan pa sa kanyang mga bashers (na nanahimik na ngayon on ABS-CBN’s fan page), Vice Ganda would rather redirect his energies towards more positive thoughts.
Kabilang dito ang aniya’y pananahimik na rin sa isyu that Star Cinema resorted to rigging box-office figures na ini-raise ni Ai Ai de las Alas. Despite Ai Ai’s brickbats, walang pagkakaibigan daw sa kanilang pagitan ang nasira.
“Magkakasalubong at magkakasalubong kami sa liit ng iniikutan nating mundo. Ayoko naman ‘yung lagi na lang akong nakayuko na may iniiwasan,” sey ng Unkaboggable Star who sits as one of the judges in Pilipinas Got Talent.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III